Bobo 'to nung Bumoto
Binigyan tayo ng karapatan
Karapatang magsalita para sa bayan
Simpleng pagbibilog lang sa balota
Ng tamang kandidato't kandidataSila ay nakaupo ngayon sa trono
Dahil sa desisyon din nating mga tao
Tinatamasa ang magandang buhay
Habang ito tayo ngayon, nasa baba at malapit na sa hukaySa mga kasalukuyang pangyayari sa bansa
Puro pangbabash sa kanila ating mas binibigyang halaga
Mas prayoridad nating hanapan sila ng baho
Imbes na tayong makatulong, tay pa'y mas nakaguguloHindi ba't kasalanan din natin
Dahil naniniwala tayo sa pangako ng ilang sakim?
Dahil nagpasilaw tayo sa kanilang mga salapi?
Dahil naging bobo tayo imbes na maging mapanuri?Kaysa puro tayo paninisi sa mga nakaupo
Bakit hindi nalang tayo maging matalino
Para sa susunod na eleksyong maganap
Boboto, hindi bobo 'to ang ating maging ganap.
BINABASA MO ANG
TULA-la 😂
PoetryMga tulang nalikha habang nasa CR. Mga tulang naisulat kahit wala namang pinaghuhugutan. Mga tulang binubuo ng mga salitang pinagtagpi tagpi ng isang lalaking nagpupumilit maging makata. Mga tulang walang saysay pero ayos lang, hindi ito sanaysay.