ABAKADA NI SIR GWAPS 😂

119 13 0
                                    

A- Akoy nagagalak dahil kayo ay aking nakilala
BA- Bahagi na kayo ng aking binubuong istorya
KA- Kahit na minsan kayo na ay nakakapikon
DA- Dahil dinadalasan niyo ang pang iirita sa akin buong maghapon

E- Exam niyo man sa akin minsan ay mahirap
GA- Gagawin niyo parin ang lahat at kayo ay magsisikap
HA- Halos bingi na kayo sa kasasabi kong "Pwedeng magkopyahan, basta wag ipapahuli"
I- Ilang ulit parin kayong kokopya at kokopya hanggang sa kayo ay makakopya ng mali

LA- Lahat sana ng mga aral na inyo sa aking natutunan (kung meron man)
MA- Maging gabay niyo sana ito sa inyong tinatahak na daan
NA- Nais kong sana ay inyong laging pakatandaan
NGA- Ngayon at kailanman, kayoy hindi ko malilimutan

O- Oras na nakamit niyo na ang inyong inaasam na diploma
PA- Para na ring ako ay nagtagumpay at sobra kong saya
RA- Ramdam niyo sana ang aking presensya at pagmamahal sa maikling sandali
SA- Salamat mga kaibigan, aking minamahal na mga estudyante

TA- Tapos? Walang saysay ang tula kong ito, oo
U- Ubusin ko man lahat ng salita, wala paring saysay ito. 😂 (tula ito hindi sanaysay).
WA- Walang sawa kong sasabihin ang katagang "MAHAL KO KAYO"
YA- Yaaaak. Ang drama ng sir gwapo niyo. 😂❤

TULA-la 😂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon