Masarap pala gumising
Sa pagkakatulog na mahimbing
Tulog ba talaga o nagtutulog tulugan na?
Sa kankungang kinabibilangan niya.Masarap kumain ng almusal
May mainit na kape at pandesal
Kapeng kasingpait
Ng kapalarang sa atin ay nakakabitSabayan pa ng nagwawalis na kapitbahay
Sa tapat ng iyong bahay
Pagwawalis na tila gusto ka ng paalisin
Sa kinabibilangan mong pinilit mo namang mahalinNgayon alam ko na ang kasagutan
Hindi pala ako dito nabibilang
Salamat, ako'y nagising na
Masarap pala mag almusal, tara
BINABASA MO ANG
TULA-la 😂
PoetryMga tulang nalikha habang nasa CR. Mga tulang naisulat kahit wala namang pinaghuhugutan. Mga tulang binubuo ng mga salitang pinagtagpi tagpi ng isang lalaking nagpupumilit maging makata. Mga tulang walang saysay pero ayos lang, hindi ito sanaysay.