Alaala ng Dalampasigan
Sabay nating tinalunton
Ang daan kung saan akala natin tayo lang ang naroon
Ang lugar kung saan tayo bumuo ng pangarap
Pangarap na bigla na lang naglaho sa isang iglapMagkahawak ang ating mga kamay
Animo'y dinikit at di mapaghiwalay
Di alintana ang lamig ng panahon
Basta't ang alam natin, masaya tayo sa gabing iyonSaksi sa gabing yun ang mga bituin at buwan
Sa ating wagas na pagmamahalan
Pag-iibigan tila isang lubid
Na di mabali kahit anong pilitSa gabi ding iyon natin naramdaman
Ang kahulugan ng tunay na kaligayahan
Kaligayahang ating natagpuan
Sa may dalampasigan
BINABASA MO ANG
TULA-la 😂
PoetryMga tulang nalikha habang nasa CR. Mga tulang naisulat kahit wala namang pinaghuhugutan. Mga tulang binubuo ng mga salitang pinagtagpi tagpi ng isang lalaking nagpupumilit maging makata. Mga tulang walang saysay pero ayos lang, hindi ito sanaysay.