PS: Para sa mga girl bestfriend ko. ❤
IT Girls (Inatnaro Takayo Girls)
Mayroon akong apat na babaeng kaibigan
Kasama ko sila sa lahat ng kalokohan
Sila'y may iba't ibang angking kagandahan
Mayroon din silang busilak na kaloobanSi RITA SALVADOR, ang tinaguriang JULIA BARETTO
Palaban, matatag, at di patatalo
Pandak man siya sa paningin ng ibang tao
Siya nama'y mayroong ginintuang pusoJANELLA SALVADOR naman si RENALYN TUAZON
Ganda niya ay di kumukupas hanggang ngayon
Hindi siya mahirap pakisamahan
Dahil siya ay totoong kaibiganKung hanap niyo naman ay gandang mala LIZA SOBERANO
Si ROCHELLE EVANGELISTA ang aming pambato
Di lang siya maganda, matalino pa
Pangarap niya balang araw maging isang makataSi KAREN JOY REPONES naman, aming KATHRYN BERNARDO
Siya rin ang tinaguriang "Malds" ng grupo
Ngunit maldita man siya kung tignan ng iba
Ngiti naman niya bibighani sa madlaNgayon nakilala niyo na silang apat
Taguri naman sila sa akin ang isisiwalat
JOHN MICHAEL SALAZAR aking pangalan
Ang DANIEL PADILLA ng apat na kababaihan
BINABASA MO ANG
TULA-la 😂
PoesíaMga tulang nalikha habang nasa CR. Mga tulang naisulat kahit wala namang pinaghuhugutan. Mga tulang binubuo ng mga salitang pinagtagpi tagpi ng isang lalaking nagpupumilit maging makata. Mga tulang walang saysay pero ayos lang, hindi ito sanaysay.