HINDI NA KITA MAHAL!
Kayat walang katotohanan ang pinaniniwalaan mong
Ikaw parin ang laman ng pusot isip ko,
Umaasa pa rin ako sa pagbabalik mo, at
Naghihintay parin ako!
Dahil sa totoo lang
Dahil sa iniwan mo ako
Galit na galit ako sayo
Kayat hindi totoo na
Pinahalagahan at itinuring kitang prinsesa
Dahil ang totoo ay
Wala kang kwenta!
Kayat wag kang maniniwalang
MAHAL PARIN KITA!
(basahin pataas)
BINABASA MO ANG
TULA-la 😂
PoezieMga tulang nalikha habang nasa CR. Mga tulang naisulat kahit wala namang pinaghuhugutan. Mga tulang binubuo ng mga salitang pinagtagpi tagpi ng isang lalaking nagpupumilit maging makata. Mga tulang walang saysay pero ayos lang, hindi ito sanaysay.