JUAN, KAYA MO PA (?)

28 10 0
                                    

Juan, Kaya Mo Pa?

Lahat ay apektado
Ng kasalukuyang krisis sa buong mundo
Mayaman man o mahirap
Hindi ligtas sa salot na kinahaharap

Sa isang iglap, lahat ay nagbago
Dating tahimik na buhay, ngayo'y nagulo
Walang nakapaghanda sa kaganapang ito
Lahit aligaga, paano na ito?

Paano na ang panlaman sa sikmurang kumakalam?
Paano na ang trabahong bigla na lang naiwan?
Paano na ang bukas, matatapos pa ba ito?
Paano na? Paano na tayong lahat na apektado?

Sa kabila ng lahat ng mga pangyayari
Minsan napapaisip nalang tayo sa isang tabi?
Kaya ko pa ba? Kakayanin ko pa ba?
Alam kong kaya ko, kasama ko SIYA.

TULA-la 😂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon