SALAMAT SA LAMAT

92 13 0
                                    

SALAMAT SA LAMAT

Akala ko sayo ko na matatagpuan
Ang pag ibig na aking inaasam
Pero bakit ganun, ako'y iyong iniwan
Iniwan mo ang aking mga matang luhaan

Naalala mo pa ba?
Noong tayo pa ay magkasama't masaya
Magkukwentuhan tayo kahit walang kwenta
At sabay nating sinosolusyunan ang dumarating na problema

Ako ba talaga ang siyang nagkulang?
O ikaw dahil di ka lumaban?
Ako ba dahil bigla akong bumitaw?
O ikaw dahil di ka kumapit?

Salamat, salamat, salamat sa lamat
Lamat na sa puso ko'y iyong iniwan
Marahil nga'y hindi tato ang itinakda
Itinakdang mahalin ang isa't isa

TULA-la 😂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon