SA LIKOD NG MASKARA

211 17 1
                                    

Sa Likod Ng Maskara

Bakit nga ang hirap magpakatotoo?
Hindi natin alam kung sino ba talaga tayo
Lagi nalang kasing nagtatago
Sa maskarang nagkukubli ng tunay na pagkatao

Kapag ibang tao ang kasama
Laging masaya, laging tumatawa
Ikinukubli ang tunay na nadarama
Sa likod ng makulay na maskara

Pinipit maging malakas
Problema ng iba iyong nalulutas
Ngunit kapag walang taong nakaharap
Taglay mong lakas ay tila kumukupas

Kaibigan! Kailan mo pa kaya mapagtatanto?
Panlolokong ginagawa mo sa kapwa at sarili mo?
Na sa tuwing suot mo ang maskarang pinapahalagahan
Sarili mo na ang iyong sinasaktan

Mahiwagang maskara alisin na sa iyong mukha
Ipakita mo na kung sino ka talaga
Wag kang papaapekto sa sasabihin ng iba
Basta ang mahalaga, nagpapakatotoo ka!

TULA-la 😂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon