Isa Ka Na Lamang Alaala (Tulang alay ko sa aking ama)
Dugo mo ang sa amin ay nananalaytay
Lahat ng bagay kaya mo sa aming ialay
Kahit kapalit pa nito ay iyong buhay
Dahil kami ang mahal mong tunayDi ka lang nagsilbing AMA sa amin
Ikaw rin ay naging kaibigan namin
Ikaw ang aming nasasandalan
Kapag may problema kaming dapat malampasanNgayon wala kana sa mundong ito
Mga larawan mo nalang ang nakakausap ko
Mahirap mang tanggapin dito sa aking puso
Wala tayong magagawa, iyan talaga ang kapalaran moIsa ka na lamang alaala sa amin
Alaalang kailanma'y sa puso'y di buburahin
Maraming salamat AMA kundi dahil sayo
Di namin makikita ang ganda ng mundo
BINABASA MO ANG
TULA-la 😂
PoesiaMga tulang nalikha habang nasa CR. Mga tulang naisulat kahit wala namang pinaghuhugutan. Mga tulang binubuo ng mga salitang pinagtagpi tagpi ng isang lalaking nagpupumilit maging makata. Mga tulang walang saysay pero ayos lang, hindi ito sanaysay.