MASAYA NA AKO, MASAYA PA AKO

13 10 0
                                    

Masaya na ako, Masaya pa ako.

"May jowa ka"
"Wala pa/na"
"Bakit, tumatanda ka na?"
"Career muna"

Hindi naman ito karera
Hindi rin ito isang larong parang baraha
Mas lalong hindi ito paligsahan
Na kailangang mag unahan

"Masaya na ako"
Single ako kasi masaya na ako
Masaya ako sa trabaho
Masaya ako sa mga kaibigan ko

Ilang ulit na rin ako nabigo
Ilang beses na rin akong natuto sa pagkabigo
Kaya ngayon, masaya na ako
Kahit single ako

"Masaya pa ako"
Siguro, kung para sa akin
Kusang darating
Hindi kailangan hanapin
Hindi kailangang hagilapin

Bakit single ako?
Masaya pa ako,
Masaya na ako

TULA-la 😂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon