SAMPUNG TULA PARA SAYO ❤

94 12 0
                                    

Sampung Tula Para Sayo ❤

Una,
Sa mundo maraming magandang binibini
Sa iyo lamang ako nabighani
Dahil hindi ka lamang maganda
Kundi NAPAKAGANDA!

Ikalawa,
Sa tuwing ikaw ay ngumingiti
Pagod ko ay napapawi
Iyong ngiti ay singtamis
Ng tsokolateng Hersheys. ❤

Ikatlo,
Sa bawat pagpasok ko sa eskwela
Ikaw lang nais makita
Hindi maaaring lumagpas ang isang araw
Na hindi man lang kita natatanaw

Ikaapat,
Ang mga katulad mong binibini
Ay dapat lamang na itinatangi
Hindi dapat niloloko at sinasaktan
Hindi dapat pinaglalaruan

Ikalima,
Ikaw ay anghel galing langit
Ikaw ang nagpapangiti sa akin nang walang pilit
Ikaw ay isang bulaklak na mabango
Ikaw ang sa akin ay bumago

Ikaanim,
Oras na luha ay tumulo sa iyong mga mata
Maaaring ako ang dahilan pero TEARS OF JOY kumbaga
Hindi tutulo yang mga luha mo
Dahil sinaktan kita nang todo

Ikapito,
Umaasa akong sa mga panahong darating
Ako'y magiging sayo ikaw ay magiging akin
Gaano man katagal, maghihintay ako
Gaano man kasakit, kakayanin ko

Ikawalo,
Tayo ay pinagtagpo
Tayo rin sana ang nakatadhana
Ikaw at ako, bubuo ng panibagong kwento
Kung saan tayong dalawa ang bida

Ikasiyam,
Gaano man kahaba ang tulang ito
Iisa lang ang pinupunto nila
Basahin mo sana ang ikasampo
Iyan ang nais kong sabihin sayo

Ikasampu,
GUSTO KITA
Ay mali!
MAHAL NA YATA KITA

TULA-la 😂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon