IKA-LIMA </3

55 13 0
                                    

IKA-LIMA </3

UNA,
Tayo'y di pa magkakilala
Ni ngiti'y di maialay sa isat isa
Pareho tayong may ibang minamahal
Na akala natin ay magtatagal

IKALAWA,
Iniwan ka niya, iniwan niya ako
Ating mga puso, parehong nagdurugo
Hindi natin alam kung paano magsisimulang muli
Mula sa pagkabigong winasak tayo ng sobrang tindi

IKATLO,
Tayo'y naging magkaibigan
Naging matatag ating samahan
Karamay mo ako sa lungkot at saya
At karamay kita sa tuwina

IKAAPAT,
Isang araw bigla nalang nating napagtanto
Na mahal na kita at mahal mo narin ako
Kaya't pareho tayong nangako
Na akin kalang, sayo lang ako

IKALIMA,
Hanggang sa ikaw ay biglang nagbago
Hindi ka tumupad sa ating pangako
Dahil ako ay bigla mo ring iniwan
Gaya ng ginawa ng dati kong minahal

Sa limang pangyayaring ito
Sa ikalima ako nasaktan nang todo

TULA-la 😂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon