ULAN

72 14 0
                                    

Kulog at kidlat ay nariyan na naman
Nagbabadya ng parating na malakas na ulan
Singlakas ng kabog ng iyong dibdib
Nang makita mo siyang may iba ng iniibig

Payong o kapote, ilabas na kaibigan
Upang hindi ka magkasakit o mabasa man lang
At nang hindi mo na ulit maranasan
Ang magkasakit at masaktan

At kung sakali mang wala kang dalang payong
Pwede ka naman sigurong makisilong
Huwag ka lang doon magtatagal
Upang di kana lubusang magmahal

At kung tumila na ang ulan
Ipagpatuloy ang paglalakad sa basang daan
Mag ingat ka lamang at baka madulas
Walang sasalo sayo kundi daang matigas

TULA-la 😂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon