NAG IISANG NAIIBA ❤

75 12 0
                                    

Nag iisang Naiiba ❤

Isang simpleng binibining may itinatagong kagandahan
Kariktang hindi makikita sa panlabas niyang kaanyuan
Ngunit kung siya ay lubusan mong makikilala
Iyong makikita ang kagandahan na meron siya

Para sa akin, isa siyang natatanging dalaga
Binibining maihahalintulad sa isang mamahaling porselana
Na kailangang ingatan at pahalagahan
Dahil kanyang halaga ay hindi matutumbasan

Hindi ko kailanman maipagkakaila
Na ako sa kanya ay sobrang humahanga
Paghangang hindi ko mawari kung pag ibig na nga ba
Dahil habang tumatagal mas lumalalim ito, tulad ng ilog o sapa

Ikaw para sa akin ay mahalaga
MaMAHALin kita, aLAGAan ko pa
Sana ay mas lubusan pa kitang makilala
At ako rin, sana ay makilala mo na. ❤

TULA-la 😂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon