TRUEpa 💪
(Chowking!) 😂Akala ko noong una, bad influence sila
Bulakbol lang ang alam, hindi pumapasok sa eskwela
Pero noong makilala ko sila, pananaw ko ay nag iba
Lahat pala iyon ay AKALA KO LANG PALASa paaralan ay matitino, sa labas ay loko loko
Tiyan moy sasakit sa kanilang mga kwento
Mga istorya nilang hindi mo alam kung saan nila napupulot
Pero isa lang sigurado, ito ang papawi sa iyong lungkotBarkadahang binuo nila at pinagtibay pa ng panahon
Ako ay kanilang idinagdag, hindi ko mawari anong rason
Pero ano mang rason, isa lang sigurado ko
Ako ay nagagalak at napabilang ako sa barkadahang itoSalamat aking mga tropang mahilig sa walwal
Dahil sa inyo, masaya ako kahit hindi niya ako mahal. (Agay! 💔)
Nawa'y kahit magkalayo man tayo sa darating na mga taon
Mas tumatag pa sana itong barkadahang sinubok na ng panahon. 💪
BINABASA MO ANG
TULA-la 😂
PoésieMga tulang nalikha habang nasa CR. Mga tulang naisulat kahit wala namang pinaghuhugutan. Mga tulang binubuo ng mga salitang pinagtagpi tagpi ng isang lalaking nagpupumilit maging makata. Mga tulang walang saysay pero ayos lang, hindi ito sanaysay.