Bakit Ba Ikaw?
Bakit ba ikaw?
Sayo ko naranasan tunay na pagmamahal
Na kahit alam nating pareho na ito ay bawal
Patuloy pa rin nating ipinaglaban
At pareho pa rin tayong sumugalBakit ba ikaw?
Ikaw ang bumuo sa puwang sa aking buhay
Ikaw rin ang aking naging karamay
Sa mga panahong akala ko kalaban ko ang mundo
Pinadama mong narito ka lang sa piling koBakit ba ikaw?
Kahit ilang ulit na tayong sinubok ng tadhana
Ilang beses man kitang pinilit na bumitaw na
Ikaw ay patuloy pa ring kumapit sa akin
At pinili mo pa ring ako ay intindihinBakit nga ba ikaw?
Hindi pa ba sapat ang dalawang salita?
Bakit nga ba ikaw?
Kasi MAHAL KITA.
BINABASA MO ANG
TULA-la 😂
PuisiMga tulang nalikha habang nasa CR. Mga tulang naisulat kahit wala namang pinaghuhugutan. Mga tulang binubuo ng mga salitang pinagtagpi tagpi ng isang lalaking nagpupumilit maging makata. Mga tulang walang saysay pero ayos lang, hindi ito sanaysay.