Chapter 9 - Virgin

4.5K 197 17
                                    



Nag aabang ako ng bus papunta sa coastal mall, doon kasi ang sakayan ng mga bus papuntang Cavite ng may pulang kotse na pumarada sa harapan ko.

"Dammit James, I told you to wait for me!" Malakas nitong sabi.

Oh the predator is here and boy he is angry!

"Bakit ba kasi nagpapahintay ka pa pwede mo naman na itext ang sasabihin mo eh." Masungit kong tugon. Lumalabas na ang pangil ko, rawr!

"At sino bang nagsabi sayo na may sasabihin ako?"

"So bakit ka nagpapahintay." Malakas na pareho ang boses.

"Uy may LQ" sabi ng isang dalagita sa malapit, naghihintay din ito ng bus.

Binuksan nito ang pintuan ng kotse. "Hahatid na kita." He is already calm.

"Wag na kaya ko namang umuwi eh."

"Papasok ka o hahalikan kita dito."

Mabilis pa sa alas kwatro akong sumakay ng kotse. Mahirap na.

"Sasakay din pala andami pang arte."

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko ang sexy mo." Nakangiti na ito.

Damn, that smile! Gabi na pero nagliliwanag na naman ang paligid. Parang may fireworks display sa kalangitan.

"Ben, you don't have to do this."

"Ayos lang naman."

Tinigil ko na ang topic na yun kasi alam kong hindi naman ito magpapatalo.

"Na pala, bakit ka nakasakay sa bus nung isang araw.?"

"Coding ako eh." Maiksi nitong sagot.

"Diba taga Pasong Tamo ka?"

"Bakit bawal na bang pumunta ng Cavite ang poging tulad ko?" He smiled.

Wala akong maisip na topic kaya nanahimik na lang ako.

"Hey hon say something please." Pangungulit nito habang binabagtas namin ang expressway palabas ng coastal mall.

"Ano namang sasabihin ko?"

"Na gwapo ako, na masarap akong humalik." He is laughing.

"Tse!" I smirked.

"Sige na, kundi mababanga tayo."
He said na parang wala lang.

"The hell!"

"Inaantok na kasi ako, 12 hours yung operation kanina eh." He said na namumungay ang mata.

"Don't you dare fall asleep Mr. Fortaleza."

"Uy gusto nya ng kiss." He laughed again. Angsarap pakinggan ng tawa nito, nakaka hawa.

"Gago." Nakitawa na din ako.

"Sige na magtanong ka kung ano gusto mo malaman."

Sige na nga, papatulan ko na to para hindi makatulog, ayaw ko pang mamatay no.

"Ilang taon ka na?" I asked.

"28."

"Ambata mo pa natapos ng specialization ah."

"Ganon talaga pag pogi." Saka ito pumogi pose.

"Yabang natin dok ah." I smiled tila nakakukuha na ang ugali ng kausap.

"Lagyan naman natin ng spice ang question. Ako magtatanong." Nagulat ako sa sinabi nito.

"Fire."

"Bakit virgin ka pa." He asked. Nagulat ako.

"And what made you so sure na virgin pa ako.?"
I hissed.

"So hindi ka navirgin?"

Natameme ako.

"So bakit nga virgin ka pa?"

"Do I really need to aswer that?"

"Just answer it will you?" He snapped.

"Nirereserve ko lang sa taong mamahalin ko." Ayan na naman si ako napaka hopeless romantic.

"Nice nice", tumango tango pa ito.

"Ano iniisip mo?" I got curious.

"So nirereserve mo pala para sakin. Natouch naman ako hon." He said habang nakangiti.

"Gago!" Tumawa ako ng malakas at binato ifo nang maliit na unan na nauupuan ko.

Then I asked the question, the million dollar question.

Bumuntonghinga ako, nag ipon ng lakas ng loob.

"Are you gay?" Nilakasan ko ang loob ko.

Bumuntonghininga din ito. Tila nag iipon ng sasabihin.

"No. As I said, I just find you interesting."

Tila nilukob ng lungkot ang buong pagkatao ko. So trip trip lang pala ito.

Naku James! Talagang naisip mo na seseryosohin ka ng mayabang na lalaking yan?
Kastigo ko sa sarili.

"Dito na lang ako bababa." Napansin kong nasa Tejero na kami. Ito ang sakayan papunta samin sa Pascam.

"You sure?" Tanong nito.

"Oo naman malayo pa babyahehin mo."

Akma akong bababa ng may sinabi ito.

"Teka may nakalimutan ako." Lumapit ito sakin at banayad na humalik sa aking labi.

Take My Heart, Mr. Mandurukot (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon