Shit, wala ang Iphone X ko!
"Mandurukot!" Sigaw ko habang nakaturo sa gwapong lalaking pababa ng bus.
Nararamdaman ko ang pagkabog ng aking dibdib.
"Hulihin nyo yan, nawawala cellphone ko."
I shouted, intentionally created a scene upang maalarma ang lahat at para may tumulong.
Isinara ng driver ang pinto ng bus upang hindi makalabas ang madurukot.
Sinasabi ko na nga ba eh, iba na talaga ang mga modus ng mandurukot ngayon. Magsusoot ng kagalang galang upang wag panghinalaan!
"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Sabi ng lalaki, his voice is cold. May accent ito na di ko mawari kung ano.
"Ikaw lang naman ang lumapit sakin kanina hoy" Galit kong singhal dito.
Nanghihinayang ako dahil hinangaan ko ito kanina ngunit ngayon ay nangibabaw na ang galit.
Pucha, hindi pa nga kalahating araw ang cellphone ko sakin nanakawin na agad! Hindi ko pa nga nagagalugad eh!
"Oh sya para magkaalaman, kapkapan na lang natin." The driver suggested, nakakaabala na kasi kami sa ibang pasahero.
"Oo kuya, ang cellphone ko ay iphone X na itim. May plastic pa sa screen." I am confident na nasa kanya ang telepono ko.
Lumapit ang kunduktor dito, kinapkapan sa pang itaas. Walang nakuha.
Dumako ang pagkapkap nito sa beywang ng lalaki.
"Ito ba pogi?" Tanong ng kunduktor habang hawak hawak ang iphone x na itim, bagong bago pa talaga kasi may plastic pa sa screen tulad ng saakin.
"Oo kuya, akin yan!" Agad kong kinuha ito sa kamay ng lalaki at binuksan.
Aba may passcode na agad at wala na ang simcard! Ganun talaga yun tatanggalin na ang sim card para hindi na matawagan.
Lalong lumaki ang galit ko sa dibdib. Gusto ko itong undayan ng tadyak. Tatlong na taon na akong nag ma muay thai at isang tadyak ko lang dito ay tulog ito.
Inalis ko ang kaisipang iyon dahil pang self defense lang iyon para sakin.
Bakit may mga ganitong tao? Kalaki ng katawan ay ayaw mag trabaho? Sayang gwapo pa naman ito.
"So anong balak mo dito pogi?"
Tanong ng kunduktor.
"Paki baba na lang kami kuya sa may malapit na pulis." Tamang tama may istasyon na nang pulis sa Baclaran. Doon kami mag tutuos.
Tiningnan ko ang lalaki. Kalma lang ito na parang hindi big deal ang nangyayari.
Aba matinde naman tong taong to, caught red handed na ay kalma padin!
"Oh dito na tayo ayan ang pulis." Sigaw ng kunduktor. "Naku pogi kung hindi siguro gwapo yan hindi ka madudukutan, kanina kasi nakanganga ka eh." Pang aalaska ng nito
Tiningnan ko lang ito ng masama.
"Anong nagyari dito." Tanong nag pulis.
"Ayan chief mandurukot!" Sagot ko.
Tumaas muna ang kilay ng pulis.
"Sure ka?"
"Posasan nyo na baka tumakas." Sigaw ng kunduktor habang ang bus naman ay papaalis.
Nakatiim bagang lang ang lalaki habang nakatitig sakin ng masama. Nakaposas na ang kamay nito at nasa likod.
"Iba na talaga ang mga mandurukot ngayon ano? Pagwapo ng pagwapo" Saad mg pulis.
Kapansin pansing hindi nagsasalita ang mandurukot, ngunit ang mga mata nito ay nag aapoy sa galit at ang bagang ay mariin naka tiim.
Kinuhanan ako ng statement ng pulis at tinanong kung itutuloy ko ba ang pag sampa.
"Oo chief para magtanda yang hinayupak na yan kalaking tao eh hindi na lang magtrabaho."
Tiningnan ko ang lalaki at nakita kong lalong nag apoy ang mga mata nito sa galit.
"Salamat po chief babalik na lang po ako kasi may pasok ako. Ikulong nyo na muna yan para magtanda."
I am already late for 2 hours, tyak nagsisimula na ang operation at hindi na ako pwede mag insert. Good thing though is nakabalik sakin ang iphone na bigay ni papa.
Naalala ko ang mandurukot.
Bakit kaya hindi man lang sya nanlaban? O kaya ay nagtangkang tumakas o tumakbo?Weird!
Pagdating ko sa hospital I am expecting na busy na ang lahat and the operation is already starting.
Ngunit laking gulat ko ng makita kong kumakain ang lahat at nagkukwentuhan.
"Oh James bakit ngayon ka lang?"
Bungad sa akin ni Dennis."Muntik na ako madukutan!" Galit kong sabi dahil naalala ko na naman ang lalaking mandurukot.
"Ah swerte mo at hindi pa nagsisimula ang operation." Habang ngumunguya ito ng pizza.
Dennis is straight, at best friend ko na ito simula pa nung pre med namin. He is ok na magkagusto sa babae at lalaki tutal nasasakyan ko naman daw sya pagchicks ang pinag uusapan. Yung nga lang wag ko daw syang gagapangin sa gabi. Alam ko naman na biro nya lang iyon.
"Ha bakit hindi pa nagsisimula?"
Takang tanong ko."Wala pa yung surgeon na galing Makati Med. sya yung naghahandle ng case na to."
"Wala pa? Napaka unprofessional naman nyan, to think na buhay ng tao ang nakasalalay dito."
Although I felt bad for the patient, I uttered a little thanks dahil maabutan ko ang operation."O san na yung Iphone mo?"
Kinuha ko nag telepone sa bulsa at ibinigay kay Dennis.
"Naks nakaplastic pa talaga oh." Natatawang sabi.
"Eh kabibigay lang ni papa kanina."
"Anong code?"
"Hindi ko alam, yung mandurukot nilagyan agad ng code eh."
"Huh? Agad agad? Parang hindi naman gagawin agad ng madurukot yan."
"What do you mean?"
"Com-"
"Guys di na daw matutuloy ang operation kasi hindi na daw makakarating si Dr. Fortaleza. I think resched na lang bukas." Anunsyo ng aming team leader.
Bakas ang panghihinayang ng lahat.
We just spent our time in the ER, na nakakabagot naman kasi walang masyadong pasyente, puro out patient.
After our duty, I decided to go back to the police station upang ituloy ang pag sampa ng kaso.
Ibang police na ang naka duty dito.
"Asan na po yung madurukot kanina dito?"
Labis akong nagtaka dahil wala na yung lalaki sa bartolina."Pinalaya na sir."
"What the hell bakit nyo pinalaya?"
Napasigaw ako.
BINABASA MO ANG
Take My Heart, Mr. Mandurukot (Completed)
Romance"Oh coastal na, coastal na, lahat ng bababa ng coastal." Sigaw ng kunduktor. Halos kalahati ng nasa aisle ay nagsibabaan. Since nasa dulo nakapwesto si Mr. gwapo ay huli itong gumalaw. Hindi ako gumalaw dahil sa Baclaran pa ako bababa. Papalapit na...