Pag bukas ko ng pinto, agad kong nakita si Papa. Nakaupo ito sa sofa at waring malalim ang iniisip.
"Pa." I called his attention.
Napabalikwas ito ng bangon.
"Hindi ka ba nya sinaktan? Ayos ka lang ba? May sugat ka ba?"
"Hindi pa, at least physically, no."
"Gago talagang lalaking yun."
"I thought you don't know him." I sat on the chair opposite to his.
"I thought you were referring to another Ben. Ang alam ko kasi taga Dasma Village sya eh hindi sa Pasong tamo kaya naisip ko magkaibang tao ang pinag uusapan natin."
"Well he has a house in Dasma Village, kagagaling ko lang doon. And guess what, he has a picture of you all over the room." I bitterly smiled.
"Why do you look so devastated James?"
Tinitigan ako nito ng matiim.Yumuko ako. I don't want him to see my tears falling.
"Oh shit! Fuck! Akala ko tinatakot nya lang ako."
Nakakuyum ang kamao nito. Bakas ang galit sa mukha."What do you mean pa?
"Last month, pumunta sya sa clinic. Sinabi ko sa kanya na wala syang mapapala sakin. But he warned me. He said I he can't get me, he will get you instead." Galit padin ang boses nito.
"Bakit di mo sinabi sakin?"
"Wala ka namang kinukwento eh so I assumed na hindi nya itinuloy."
Tumulo ulit ang luha ko. Wala na akong ibang ginawa kanina pa kundi umiyak.
"Hey, son, he does't deserve you. I know it hurts but it will pass."
"Pa, I loved him. Naniwala ako sa kanya eh."
"Don't worry, pag nakita ko yung gagong yun, babasagin ko ang bungo noon." Galit na galit na ding sabi ni Papa.
Hindi ako umimik.
"Pull yourself son. You can do it." Isang nagiting mapang unawa ang ibinigay sakin ni papa saka ito pumasok sa sariling kwarto.
---------
Two days have passed. Two sleepless nights. Dalawang araw na wala akong ginagawa kundi umiyak.
Yung pakiramdam mo na ang lahat ng sama ng loob ng mundo ay nasayo. Malaki na din ang hinulog ng katawan ko.
Nakaharap ako ngayon sa platong may pagkain, ngunit hindi ko naman nagagalaw yun.
Pinupwerso ko lang sarili kong kumain dahil ayoko mag kasakit."Pre, nood tayo sine. Maganda daw yung Avengers Infinity War." Bungad sakin ni Papa.
Sunday ngayon kaya wala itong pasok.
"Wala ako sa mood pre."
"C'mon, ako taya."
"Wala talaga ako gana."
"Today is sunday."
"Hmm?"
"It's family day. You are my only family brad, hindi mo man lang ba ako sasamahan?"
Then I realize, tama ito.
Ako na lang ang pamilya nya. If I will be drowned by sadness ang pain, pano na lang ito."Ok pa."
"Come on son, cheer up. A lot of people will kill just to have that face, ikaw naman ginaganyan mo lang."
Ngumiti lang ako.
Ang mga nasa paligid ko tinutulungan na ako. I think I need to help myself too.
Pag katapos kong maligo, agad akong nagbihis. Simpleng tshirt lang at pantalon ok na to.
"Tara." Inakbayan ako ni Papa.
Pagpasok namin sa mall, inakbayan ulit ako nito. "Pre, kita ko yung chikabe dun, ganda oh, ganda ng legs."
"Oo nga maganda nga."
"Pambihira naman brad. Hindi ka ba nagsasawang bumusangot?"
"Sorry pre."
"O tara na nga sa sine."
Pagkatapos ng pelikula agad kaming lumabas ng sinehan. Somehow, gumaan ang pakiramdam ko. Ako lang ata ang masayang lumabas ng sinehan. Halos kasi lahat ay nalingkot sa pagkamatay ng ibang superhero kabilang na si Peter Parker.
"I love you pa." I smiled.
I miss this. Yung bonding time namin ni Papa.
Somehow I felt that mama is with us."I love you too son. Tara sa baba."
"Saan?"
"Doon oh, may mag coconcert ata."
"Pa, kelan ka pa nahilig sa concert?"
"Aba, gusto ko maging bagets ngayon bakit ba?"
Nakarating kami sa harap ng stage. Tapos na mag tono ng gitara ang banda at may countdown na sa malakig LCD tv.
Sino naman kaya ang bandang andito.
5
4
3
2
1
Biglang umusok ang stage at lumitaw ang isang matangkad na lalaki.
Hindi ko mamukhaan ito dahil makapal pa ang usok sa ibabaw ng stage.
Ngunit pag nipis niyon ay bigla akong napasinghap.
"Let me interrup the concert ladies and gentlement, I just want to sing a song for someone. For the love of my life. I love you."
Nakatingin ito sa banda namin.
"I think the song is for you pa."
Akma akong tatalikod paalis."It's for you. He'll explain later." Inakbayan ako nito upang hindi ako makaalis.
"James, I am sorry. I hope you can forgive me."
Naghiyawan ang mga tao.Yun pala kasi ay naka flash ang mukha ko sa malaking TV screen.
Bigla akong nahiya at nagtakip ng mukha.
Lumapit ka lang talaga sakin at tatanghalin ko ang mata mong hayop ka. Nagkuyum ako ng kamay.
BINABASA MO ANG
Take My Heart, Mr. Mandurukot (Completed)
Romance"Oh coastal na, coastal na, lahat ng bababa ng coastal." Sigaw ng kunduktor. Halos kalahati ng nasa aisle ay nagsibabaan. Since nasa dulo nakapwesto si Mr. gwapo ay huli itong gumalaw. Hindi ako gumalaw dahil sa Baclaran pa ako bababa. Papalapit na...