"Jammmmmeesssss!" Isang pigil na tili ang bumungad sakin pagpasok na pagpasok ko sa hospital kinabukasan.Nakita kong humahangos papalapit ang nurse na si Andrea. Isa ito sa mga nurses na tumutulong samin ni Dennis upang magamay ang pasikot sikot dito sa PGH. Mabait at kalog ito kaya naging kaibigan na namin.
Ito din ang to the rescue kay Dennis pag hindi nya mainsert ang IV sa pasyente.
"Saan ang sunog!"
"Tange! Walang sunog!" Nakikita kong nangingig-nginig pa ang kamay nito.
"Anong nangyayaari sayo kung ganun?"
"Nakita mo na ba to! Ayiiiiiii!" Muli itong tumili ng mahina habang inaabot sakin ang kanyang cellphone.
"Ano yan?" I got curious. Black ang screen at ang play icon lang ang makikita.
"Ito play natin." Halos mangisay na itong si Andrea.
"Papatawarin mo ako o hahalikan kita dito sa harap ng maraming tao?"
Narinig ko mula sa video na iyon.
Nakita ko ang sarili kong nakatayo, kinuha ang bulaklak at naglakad papasok ng kotse.
Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ni Andrea.
Naramdaman kong biglang lumamig ang aking buong katawan. Para akong nag ice bucket challenge.
"Shit! Delete mo yan dalian mo!"
"Tange, naka upload ito sa facebook at friend viral na sya! Ang sweet!"
"Sino nag upload?!" Nanginginig padin ang boses ko.
"Hindi ko kilala, tinag lang ako ng friend ko, alam nya kasi na taga PGH ako. Ay di ko pa pala napupusuan, ayiiiiiiiiii!"
Hindi na nito napigilan ang malakas na pagtitili.
"Tumigil ka nga nakaka rindi ang tili mo." Inis kong sabi. Bwiset na lalaking yun, sinasabi ko na nga ba eh.
"Hindi ka kinilig? Ang gwapo friend. Hindi mo naman sinabi na may jowa ka palang ubod ng gwapo." Pinapanood uli nito ang video.
"Hindi ko boyfriend yan."
"Wag ka na mag deny, kalat na sa buong PGH ang video na to."
Shit! Kung pwede lang akong lamunin ng lupa kanina pa ako nag palamon. Nakakahiya.
Sakto namang dumating si Dennis.
Nakapaskil sa mukha nito ang pang inis na ngiti."Pag-..."
"Wag kang magsasalita ng kahit ano kung ayaw mong saksakin kita ng gunting na to." Tinutok ko sa mukha nito ang gunting na hawak ko.
"Ha ha ha key." Tumawa lang ito ng malakas. Nakataas ang kamay na parang naholdap.
Hinayupak na lalaking yun. Dinamay pa ako sa ka KSP-han. Lagot talaga sakin yun, habang itinutuon ang inis sa pag gupit ng mga gauze.
Pati sa operating room ay tampulan padin ako ng tukso bagay na lalo kong kinainis.
I decided to take a short break dahil na ririndi na talaga ako sa mga panunukso ng mga kasama ko sa loob.
Pag labas na pag labas ko ng hospital ay sakin nakatutok ang mata ng mga naroon.
"Sya yung nasa video, gwapo pala talaga." Mahinang tili ng isang student nurse, nagkukumpulan ito at nagmimiryenda.
Bumalik ako sa loob, wrong move ata ang pag labas ng hospital. Magkulong na lang kaya ako sa CR? Argh, hindi malinis ang CR dito kaya hindi din magandang ideya iyo.
"Arghhhhh" naiinis kong sigaw.
Nasa kalagitanaan ako ng pag ngingitngit ng may lumapit saaking isang babae.
"James!" Si Dra. Valencia iyon. Isa sa mga surgeons kanina. She is pretty kahit na nasa early forties na ang edad. Minsan nga mapapagkamalan mo itong bente singko lang.
"Yes doc?"
"I didn't know that Reu is into young ones now." She said. I didn't know na kilala nito si Ben. Saka Reu?
Reu- Ben
Makes sense. Ako nga minsa ay Chris ang ginagamit ko.
"What do you mean doc?"
Kumunot ang noo ko. Kanina habang ang ibang doktor ay tinutukso ako, tahimik lang ito at tumatawa tawa lang."Kilala ko yang si Reu, this is the first time I've seen him with someone younger."
"Doc nagkakamali po kayo, we are not together."
"Come on, matagal ko nang kilala yan at ngayon ko lang nakita gumawa yan ng ganun." She is probably referring to what was Ben doing in the video.
Nakita kong lumungkot ang mga mata nito. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin noon.
Nahiya ako at yumuko.
"Take care of him James, he may be a hot-tempered, self-centered, conceited guy but he is a wonderful person."
She tapped my shoulder at marahang naglakad papalayo.
Ano kaya yun? Naiwan akong nakanganga at nagtataka.
BINABASA MO ANG
Take My Heart, Mr. Mandurukot (Completed)
Romance"Oh coastal na, coastal na, lahat ng bababa ng coastal." Sigaw ng kunduktor. Halos kalahati ng nasa aisle ay nagsibabaan. Since nasa dulo nakapwesto si Mr. gwapo ay huli itong gumalaw. Hindi ako gumalaw dahil sa Baclaran pa ako bababa. Papalapit na...