Chapter 15 - Jessa

3.9K 190 4
                                    



Ito na ata ang pinaka mahabang 8-hour shift ko. It feels like I've been here for decades at kating kati na akong makauwi.

Speaking of uwi. Alam kong andyan na naman ang asungot na si Ben or Reu or whatever his name is at mangungulit na naman so I decided na mag palipas muna ng isa't kalahating oras. I'm sure pag ganun na katagal na wala pa ako ay tyak aalis na yun.

Si Dennis naman ay nag extend dahil nasa loob pa ito ng operating room kaya pinili kong tumambay na lang muna sa canteen ng hospital.

Pag pasok ko doon ay napansin kong saakin nakatutok ang mga mata nag tao.

"Oh God, not again."

Yumuko ako at naghanap ng isang lamesa na medyo tago.

Ang layo layo ng nilakad ko at nakakatamad nang maghanap ng ibang lugar na mapagtatambayan.

Habang nagpapalipas ng oras ay naisipan kong magbukas ng facebook, dito kasi ako ng hanap ng malilipatan namin ni papa, kaya dito ko din hinihintay ang mga PM ng napag tanungan ko.

Nakakainis kasi ang iba, pag nag comment ka ng "how much." ang isasagot sayo ay "pm sent."

Pag chineck mo naman ang pm ay wala naman.

"Shit, dati 100 requests lang ngayon halos libo na."

Pano ko na malalaman kung may kakilala ako andami ko nang iscroll!

Madami ding mga kakilala ang nag tag sakin ng viral video na yun. Buti na lang naka set yung permission na iaaccept ko muna bago lumabas sa timeline ko.

Hays! Kasalanan mo to Reuben!

"Hi kuya pwede po mag papicture?"

Isang namamaos na boses ng dalagita ang nagpatigil sa aking ginagawa. She is probably 8 or 9 at dahil naka mask ito ay marahil ay isang pasyente.

Nakabonnet din ito, maputla at halata ang paghihirap sa mukha. Typical na itsura ng nag chechemo therapy. I can also smell the scent of medicine. Same scent nung nag tetherapy si mama.

Nahabag ako. My mom died due to cancer at alam ko ang pinag dadaanan ng batang ito.

"Sure baby, what's your name?"

Kung iba iba lang ang magpapapicture ay tatanggihan ko ito.

"Jessa po kuya." Naririnig ko padin ang malamyos nitong boses.

"Hi Jessa I'm kuya James, how are you?"

"I'm feeling better seeing you kuya."
Muli ay parang hinaplos ang puso ko sa sanabi nito.

Somehow hindi lang naman pala puro kanegahan ang ginawa ni Ben.

Ako na mismo ang humawak sa camera ng bata at sinet sa selfie mode.

"Smile baby."

Binaba nito ang mask at ngumiti ng pagkatamis tamis. Bakas ang labis na tuwa sa mukha.

"Oh Jessa andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap eh." Hapong usal ng isang babae.

"Oh doc, pasensya ka na sa anak ko ah, kasama ko yan kanina biglang nawala nakita nya daw yung crush nya." Tumatawa pa ito pero parang nahihiya.

"Ma, tingnan mo oh may picture na kami ni kuya James." Pinakita nito ang picture sa ina.

"Balik na tayo sa kwarto ah." Kinarga nito ang bata.

"Doc pasensya ka na sa abala ah." Ngiting paumanhing sabi ng babae.

Lumapit ako sa bata at hinalikan ito sa pisngi.
"Pagaling ka Jessa ah."

Saka ngumiti ng pagkatamis tamis ang bata.

Ito yung mga pagkakataong hindi matutumbasan ng kahit anong halaga. Seeing someone sick smile because of you is more than tons of treasure.

Namiss ko si Mama. Namasa masa ang aking mata.

"See you later kuya."

"Thank you." Sabi ng ina nito. Maiksi lang iyon pero alam kung punong puno ito ng kahulugan at pasasalamat.

Saka naglakad ito papalayo.

Pinunasan ko ang aking namamasang mga mata.

"Ma." Mahina kong bulong sa hangin. How I wish she is here. I can give up everything I have just to see my mother again.

"Ehem."

Isang ubo ang kumuha ang aking atensyon.

Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses and I saw the person I want to see the least.

Oh Shit not again.

Take My Heart, Mr. Mandurukot (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon