Chapter 2 - Regalo

5.2K 211 16
                                    

"What da ef? Pitsel?"

Hinawakan ko ang laman ng paper bag. Kahit nakabalot ito ng dyaryo, malalaman mong pitsel ito dahil sa hugis at porma.

"Lintek naman oh akala ko sapatos. Si Papa talaga, ang hilig mang good time." Pinaghalong inis at tampo ang naramdaman ko.

Hindi kumain ng maayos dahil sa pitsel? Ano to? Gintong pitsel?

Dahil sa inis, binalibag ko ang pitsel. Laking gulat ko ng may umalog na parang isang matigas na bagay sa loob.

"Bomba!" Malakas kong sigaw. I din't know kung bakit naisigaw ko yun.
Halos maubos ang hangin sa baga ko.

Humahangos at tumatakbong lumabas ng kwarto si papa, naka tapis ng tuwalya at may sabon pa sa katawan halatang nasa kalagitnaan ng paliligo.

"Asan ang bomba!" Sigaw din nito na halos namumula ang mukha sa takot.

"Pa, bomba ang laman nyan!" Sabay turo ko sa pitsel na nakabalot sa dyaryo.

Tila natauhan ito at malakas akong binatukan.

"Aray ko naman pre!" Sigaw ko.

"Ugok ka bakit naman ako maglalagay ng bomba dyan ha!"

Yung takot na nasa mukha kanina ay napalitan ng pagkainis.

"Aba napapanood ko sa tv na ang bomba nasa loob ng regalo." Depensa ko sa sarili. Napapadalas na ata talaga ang panonood ko ng detective movies kaya naapektuhan na ang utak ko.

"Buksan mo na lang kasi yan." Inis na sabi ni papa.

"Bakit kasi may paganyan ganyan ka pa hindi na lang ibigay eh." Sabi ko na dinadampot ang pitsel. Inalog alog ko ito.

"Nakita ko lang sa facebook eh. Saka wag mo alugin, masisira yan." Kumalma na ito.

Dali dali kong pinunit ang dyaryo at napa nga nga ako sa nakita kong nasa loob nito.

"Oh my God pa, thank you so much!"

Lumapit ako sa kanya at mahigpit itong niyakap. Wala akong paki kung may sabon pa ito sa katawan.

Niyakap din ako nito at tinapik tapik ang aking balikat. "Hmmmm still feels awesome getting a hug from my boy." He said a little emotional.

Kumawala ako dito, hawak sa kamay ang totoong regalo nito. Doon ko naisip na matagal ko na din palang hindi niyayakap si Papa.

"Thank you pa." Abot tenga ang ngiti ko hang pinipindot ang power botton ng bago kong cellphone.

Got an Iphone X baby yeah!

"Oh sya balik na ako sa taas. At gaya ng sabi ko ingatan mo yan dahil hindi biro ang presyo nyan buti na lang may kakilala ako sa apple store kaya naka kuha ako ng unit kahit nagkakaubusan na."

Umakyat na ito sa sariling kwarto.

Inopen ko ang camera at nagselfie.
Naks, upload agad. #blessed  hahaha

Tuluyan ko nang nakalimutan ang ginagawa kong presentation.

Ito ang matagal ko ng gusto, ang makabili ng latest ng apple. 2 months ago ay nirelease ito sa Pilipinas at halos lahat ng kaklase ko sa UP College of Medicine ay meron na nito.

Noon gusto ko ng kotse, pero alam kong hindi namin kakayanin ang montly nito, idagdag pa ang pag taas ng gasolina dahil sa TRAIN law.

Nag log in ako sa fb, as usual, daan daan na naman ang friends requests.
Inisa isa ko ang mga iyon hoping na may kakilala pero wala naman so hindi ko na lang pinansin.

Binuksan ko ang messages at napansin ko ang message ng bestfriend ko na si Dennis.

"Wui, wag ka malilate mamaya, may coronary bypass mamaya tayo daw aassist, magandang case yun. Happy birthday brad I lab u."

"Thank you, May bago akong iphone." I replied.

"So?" Sagot nito.

"Killjoy buset!"

"Ha ha ha ha."

I closed the app and prepared.

Hays kinakabahan ako. Ito ang unang makakapag assist ako ng actual na operation at kinakabahan ako, sana hindi ako magkalat.

Take My Heart, Mr. Mandurukot (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon