Nakaalis na ang eroplanong sinakyan ni Ben at ng mga kasama nito sa medical mission.
Mabigat ang loob ko pero alam ko naman na makabuluhan ang dahilan ng pag alis nito.Hays! I miss him already. Isipin pa lang na walang manyakis at mayabang sa dalawang linggo ay nangungulila na ako.
"Hijo, how are you?"
Nawala ang pag mumuni muni ko at napatigil ako sa pag lakad. I was about to walk to the exit.
I saw Dr. Fortaleza, the old one. Yung tatay ni Ben.
"Doc, I'm doing good." Nagmano ako dito.
Andito pala ang tatay ni Ben. I didn't see him send his son off."Hindi ko na naabutan sina Rue grabe ang trapik eh."
"Oo nga po, nakaalis na sila mga 10 minutes ago."
I have no idea if Ben told his dad about us. But looking at him, I guess wala pa itong ideya.
"Hanga po ako sa anak nyo sir. He has a golden heart."
"Oh no no James. Rue is not my son. He is my nephew."
I didn't know that. Yun pa ang isa kong pinagtataka kay Ben. He has never mentioned anything about his family.
Wala itong nababanggit kung may kapatid ba sya o nasaan ang nanay nya or kahit na anong may kinalaman sa pamilya."Mabait talaga yang batang yan. Teka, how did the bypass go through?"
"Successful po doc, magaling po si Ben, I mean si Rue."
"Di ko alam kung bakit nagpumilit yan si Rue na sya na daw gagawa ng operation. Kung di lang din talaga ako tiwala sa kanya I would never entrust the bypass."
Hindi ko rin alam ang sagot dun. In fact, nung tinanong ko sya one time bakita sya ang gumawa, sabi nya lang ay for experience lang.
"I know you're friends hijo. Please take care of him. He is very unstable the past few months. He is obsessed with someone and it is driving him crazy."
Tinapik nito ang balikat ko saka umalis ng hindi lumilingon."Obsessed with someone."
It doesn't seem to bee good base na din sa pagkakasabi ni Dr. Fortaleza. I don't think ako yun.
Tsaka ano bang ibig sabihin nito ng "unstable?"
I can't see anything wrong with Ben.
Oo minsan pilyo ito at nakakapikon pero normal lang naman yun sa taong makulit at mayabang.Hahabulin ko pa sana ito pero nawala na sa paningin ko.
Marami pa talaga akong hindi alam kay Ben.I guess that's understandable. 3 weeks pa lamg namin kami at nasa getting to know each other stage pa.
Malalaman ko din naman yan sa pagdating ng mga araw.
Nakarating ako sa bahay bandang hapon na. Sabado ngayon kaya wala akong duty sa hospital.
Nakakuha kami ng isang bahay sa Lancaster Subdivision, pinaparentahan ito dahil nasa abroad ang may ari.
Inikot ko ang loob. Kasinlaki lang ito ng kusina namin sa dating bahay.
Namiss ko tuloy lalo iyon."Nak alis na ako." Nakabihis na ito papasok.
Papa is working as a nurse supervisor sa isang malaking clinic sa SM Bacoor.Si mama talaga ang galing sa mayamang pamilya, si papa ay middle class lang.
"Maaga ka yata ngayon ah."
"Naku nak, tinatakasan ko lang ang isang makulit na lalaki sa opisina, baka andun na naman"
"Ano ba ginagawa sayo?"
"Wala nak, ok kain ka na nagluto ako ng bangus dyan." Pag iiba nito ng usapan.
Pumunta ako sa maliit na kusina.
"Sige Pa, ingat."
Lumabas na ito ng pinto.
I checked my phone.
Halos message iyo ni Ben. Kakalapag na daw ito sa Jerusalem at nasa hotel na.
I read the previous messages at puro kasweetan lang ang mga iyon.
Who would say that these thoughful messages would come from an unastable person?
Ano ba yung pagkakaintindi nila ng "unstable?"
BINABASA MO ANG
Take My Heart, Mr. Mandurukot (Completed)
Romance"Oh coastal na, coastal na, lahat ng bababa ng coastal." Sigaw ng kunduktor. Halos kalahati ng nasa aisle ay nagsibabaan. Since nasa dulo nakapwesto si Mr. gwapo ay huli itong gumalaw. Hindi ako gumalaw dahil sa Baclaran pa ako bababa. Papalapit na...