Chapter 17 - Love nest

4.2K 180 11
                                    


Ayun na nga, so bumawi ang mokong.
Tinanong ko sya kung bakit hindi nagpakita noon ng halos isang linggo ay naging busy daw ito sa medical mission sa Nepal at walang signal sa lugar na iyon.

Eh charitable works naman pala ang pinuntahan kaya pinatawad ko na.

Araw araw ay nagpapadala ito ng bulaklak sa hospital. Meron ding pagkain na damay na pati ang mga nurses at ibang intern. Kaya naman gusto na ito ng mga kasama ko.

"Ang swerte mo talaga sa boyfriend mo James. Bukod sa gwapo na, thoughtful pa. Wag lang kayong mag bibreak ah kundi hindi na yan makakabalik sayo dahil magiging akin sya!" Maemosyonal na sabi ni Andrea. Puno pa ng pizza ang bibig nito.

"Sabi ng hindi ko sya boyfriend eh."

"Yan ka na naman, bakit mo pa tinatanggi eh ok lang naman samin na ganun ka." Sabad naman ni John, isa rin itong intern.

"Saka mabait naman si Doc eh." Si Dennis na ngumunguya din.

"Isa ka pa, pinakain ka lang umamo ka na dun sa tao."

"Grabe ka naman kala mo sakin patay gutom."
Pagmamaktol ni Dennis habang kumukuha ng dalawang slices na pizza.

"Hindi masyadong halata brad, pwede maging discreet kahit konte."

Saka nagtawanan ang lahat.

Ano nga ba talaga kami ni Ben?

I am happy with him, I'm sure ganun din naman sya. Bahala na.

Ayan ka na naman James sa bahala na mong yan, tapos ang ending iiyak ka.

I pursed my lips ang blew the negativity in my chest. Enjoyin ko na lang ang moment na to. I'll cross the bridge when I get there.

Napukaw ang pag iisip ko ng mag vibrate ang aking cellphone.

I read the message.

"Hon, i miss you. Wag kalimutan kumain."

I locked my phone and smiled.

"I think I'm in love, I think I'm in love, with you oh oh oh." Kanta ni Dennis, napansin kasi nitong ngumingiti ako mag isa.

In love? In love nga ba ako?
This is the first time I felt this way and boy it feels so damn good!

Ito pala yung sinasabi nilang "the greatest feeling in the world."

Excited akong mag uwian dahil makikita ko na si Ben. Nag text ako sa kanya na tapos na duty ko at nagpreply naman ito na papunta na.

"Hello sunshine." Bungad nito sabay bukas ng pinto.

"Kamukha ko na ba si Sunshine Dizon?"
I joked.

Tumawa ito ng malakas. As usual, nahawa na ako at nakitawa na din.

Nasa may bandang LRT Beundia na kami ng biglang mag u-turn ito.

"Uy Ben san tayo papunta?"

"I have a surprise for you." Nakangiti nitong sabi.

"You know I don't like surprises."

"I promise you will like this. Call your dad, tell him na hindi ka uuwi ngayong gabi."

"Teka, walang kasama si papa sa bahay."

"Henr-, I mean your dad is old, kaya nya na ang sarili nya." I saw an emotion on his eyes, pero sinawalang bahala ko lang iyon.

"Text ko na lang, baka hindi ako payagan."
Nagtype ako at ibinulsa ang telepono.

"Good."

"Saan tayo pupunta?"

"Surprise nga, take a nap, almost 5 hours ang babyahehin natin. You hungry?"

"Nope, ang haba naman?"

"Yeah, so sleep hon."

Sumandal ako sa headboard saka naktulog dahil sa sobrang pagod.

"Hon, wake up, we're here." Mahinang yugyog ang nagpagising sa akin.

"San na tayo?"

Tumungin ako sa labas, malapit ng mag bukangliwayway dahil maliwanag na ang langit, pero ang kapaligiran ang madlim padin.

"It's 5 am, haba ng tulog ko."

"Tulo laway ka pa nga eh."

Lumabas ako ng kotse.

"Oh!"

I gasped, the view in front of me is awesome.

Isa itong bahay na nasa taas ng malaking puno.
Puno ng ibat ibang kulay ng bombilya ang sanga bagay na nagpapaganda dito.
May maliit na hagdan papaakyat habang sa taas naman ay may veranda.

Walang ibang bahay dito kundi yun lang. I can fee the cold breeze kissing my face.

I breathed deeply. Pinuno ko ang aking dibdib ng sariwa at malamig na hangin. Sa Manila pag ginawa ko ito tyak ay lung cancer ang aabutin ko.

Since when had my lungs tasted an air as fresh as this?

"This is so beautiful."

"Welcome to our love nest honey."

Take My Heart, Mr. Mandurukot (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon