This is our last day sa hospital na ito. Almost 1 month din kami dito at halos lahat ng staff ay nakapalagayan ko na ng loob.The staff decided to give us a small farewell party. May konteng salu-salo. Everyone seems happy pero alam ko nalulungkot ang mga ito.
"Balik kayo ah welcome na welcome kayo dito." Grace said, isa ito sa mga nurses na nakapalagayan namin ng loob.
Natapos ang maliit na salu-salo kaya we decided to pack out things. Mamimiss ko din ang quarter na to, ang lockers, ang sahig na minsan tinutulugan namin pag sobrang toxic na.
Bago ako lumabas ng qaurters, inikot ko muna ang mga mata ko, hoping to spot someone I've been waiting for kanina pa.
To my dismay ay wala akong nakita.
Asan kaya yung mayabang na yun.
I decided to walk towards the exit ng makarinig ako ng isang tikhim.
Lumingon ako at nakita ko ang taong kanina ko pa hinihintay.
"Hi." Maiksi kong bati.
"Hon." Alam kong nalulungkot ito.
"I guess this is goodbye." My voice cracked.
Lumapit ito sakin, ilang pulgada na lang ang layo nito sa aking mukha. Then he gave me a very gentle kiss. Muli ay naramdaman ko na naman ang kuryenteng sa kanya ko lang nadama.
He wrapped his arms around my waist, hinaplos ang aking labi. "No, never."
Saka ito tumalikod papalayo.-----
It's been a week since lumipat kami sa PGH, nahihirapan ako. Dun kasi sa dating hospital ay close to ideal, at least yung ibang nasa libro ay nasusunod talaga samantalang dito ay milya milya ang layo.
Dito mo makikita ang mukha ng kahirapan sa Pilipinas.
The Philippines has a very complicated health care syatem. Noong bata pa ako sabi ko I wanted to be a doctor para makatulong sa kapawa, and seeing these people made me like to become a doctor even more.
1 week na din akong naghihintay na may Ben na magkita pero bokya, ni hangin galing sa kayabangan nito ay hindi ko maramdaman.
May panever never pa itong nalalaman. Kung tutuusin malapit lang naman ang Caloocan sa PGH at pwede akong puntahan kung gugustuhin nito.
Kung gugustuhin. Yun lang.
"Oh tulala ka na naman dyan." Bungad sakin ni Dennis. May dala itong IV cannula (karayom pang inject sa swero)
"Hindi naman, namimiss ko lang ang dati nating hospital."
"Yung hospital ba ang namimiss mo o yung may ari ng hospital." Panunundyo nito habang binubuksan ang plastic.
"Gago, hindi ah. Teka bakit may dala kang cannula?"
"Mag papraktis lang. Nakakahiya ang mga nurses dito ang gagaling mag lagay ng IV samantalang ako nakakailang try pa.
Tama naman ito, minsan pa nga tinatawag pa nito ang isang nurse para magpatulong. Not that we are saying na dapat magaling kami, kaya lang ay madami ng ginagawa ang mga ito ayaw na namin idagdag pa ang gawaing dapat ay kaya naming gawin.
"So kanino ka mag papractice?"
Tumingin ito sakin ng makahulugan.
"Hoy hindi ko gusto yang iniisip mo."
"Sige na naman Ja, noon pumayag ka eh."
"Dahil required yun."
"Bakit ba ayaw mo eh mas malaki pa nga ang pinantusok sayo ni ano eh." Pang aalaska nito.
"Tangina ka hindi pa sabi ako natutusok eh."
Kahit anong gawin ko at sabihin ko ay hindi ito naniniwala."Ows?!"
"Gago sukatin mo pa ang circumference!"
"Yuck! Kadiri ka brad. O ano dali na sagot ko lunch mo."
"Anong gauge ba nasayo?"
(Guage ay sukat ng karayom, mas mataas mas maliit.")"18"
"Gago ansakit nyan, 24 gamitin mo yung pambata."
Habang hinahanap ni Dennis ang ugat na pagsasaksakan ng cannula bigla itong nagsalita.
"Ja, kalimutan mo na sya, madami din talagang balita na hindi ito nakikipag relasyon at sex lang ang kailangan."
I pulled my wrist from him at yumuko.
"Concerned lang ako sayo. You are like a brother at ayaw kong masaktan ka."
"I understand." Sabay ngiti.
Tama ito, its time to move on.
"Wait baka naman ganyan ka magsalita kasi may gusto ka pala sakin. Sa wattpad kasi parati kong nababasa na yung best friend may gusto pala sa bida."
"Gago! Magka boobs at tahong ka muna baka mapagtyagaan pa kita." Tawanan kami ng malakas.
Siguro tama nga ito.
Buti na lang hindi umabot sa puntong nahulog na ako ng husto sa player na yun."Aray!" Sigaw ko. "Dahan dahan naman, nakarating ka na sa med-proper tanga ka padin sa pag insert ng cannula." Singhal ko kay Dennis.
"Napaka supportive bwiset!"
BINABASA MO ANG
Take My Heart, Mr. Mandurukot (Completed)
Romance"Oh coastal na, coastal na, lahat ng bababa ng coastal." Sigaw ng kunduktor. Halos kalahati ng nasa aisle ay nagsibabaan. Since nasa dulo nakapwesto si Mr. gwapo ay huli itong gumalaw. Hindi ako gumalaw dahil sa Baclaran pa ako bababa. Papalapit na...