Kinabukasan bago pumunta ng hospital ay dumaan muna ako sa presinto upang makausap ang pulis na nag record ng kaso namin. Ngunit sa kasamaang palad ay nasa field daw ito ay nang huhuli ng mga illegal vendors. I decided to go straight to the hospital.
Sayang, I wanted to know his address para maisauli ang phone and of course, apologize.
Dahil hindi ko naman naabutan ang pakay ko sa presinto ay maaga ako nakarating sa hospital. I arrived an hour earlier.
Agad akong pumasok sa aming quarter at naabutan ko doon ang aming team leader na si Jane.
"Hi James, you're early today."
"Good morning Doc." I smiled.
"Oh by the way, meet Mr. Fortaleza, the surgeon who was supposed to do the operation yesterday."
I looked at the man. He is old, probably in his 50's.
"Hi James, I went here to personally apologize. I know it was not a good example lalo nang buhay ng tao ang pinag uusapan natin."
Mabait ang matandang doctor and he looks familiar. Di ko lang maalala, must have seen him in a magazine or newspaper."That's fine doc, we're human too and we have personal needs." I smiled.
"Doc, he is the best in his class kaya sya ang napili ko mag assist sayo mamaya." Sabi ni Doc Jane.
I blushed.
That's true. I excel in academics. I was Magna Cum Laude sa BS Bio.
But it was academics. Not sure if I can do the same pag hands on na.
Kahit ngayon sa med proper ako pa din ang top sa batch namin.Kahit nakapikit ay kaya kong sabihin kung saan ang inferior at superior vena cava sa isang dummy pero iba na pag may nakahiga ng pasyente at may puso ng pumipintig.
"Oh see, that made me at ease." The doctor smiled at me.
"Thank you sir." It was so nice to hear compliments from your superiors. Kahit nga hindi naman talaga ako kabilang sa hahawak ng ugat, at ang tanging role ko lang ay taga suction at taga abot ng tools, I am still proud.
Papa will be proud."See you later James. Let's go Doc." Sabi naman ni Doc Jane.
Naiwan akong nakangiti. Kahit papaano nadagdagan ang confidence ko sa sarili.
Muli ko na naman naisip ang gwapong lalaki, at kung paano ko ito matutunton.
"Ja, kanina ka pa hinihintay sa operating room bakit ba antagal mo?" Narinig ko si Dennis.
Tumingin ako sa relo. Shit antagal ko na palang nag mumuni muni dito sa quarters.
Mabilis akong nagsuot ng scrub suit at nagtungo sa operatin room.
Halos ang lahat ay handa na, ako na lang talaga ang kulang.
I scrubbed ang wore my gloves sa harap nila saka lumapit sa grupo. Tiningnan ko ang team. Tatlong TCV (thoracic and cardiovascular) surgeon, dalawang cardiologist, isang aneasthesiologist, dalawa kami ni Dennis na med student, isang scub nurse, isang circulating nurse at si Doc Jane.
Pinalinga linga ako ang paningin ko looking for Doctor Fortaleza pero wala ito.
"Let's start." Isang tinig ang nagmula sa isang sa tatlong surgeon. Hindi ko malaman kung kanino galing yun kasi lahat sila naka mask.
Ngunit ang baritonong boses na yun, ang husky at sexy na boses!Umiling iling ako, siguro ay kinakain na ako ng kunsensya ko kaya kung ano na lang ang naririnig ko.
Muli kong narinig ang boses. "Suction."
Napaangat ako ng mukha at napatitig sa mata ng pinaggalingan ng boses. Hindi ako nagkakamali. Tinitigan ko ang mata ng kaharap.
Bagamat nakasalamin ito, hindi ko makakalimutan ang matang yun. The expressive eyes, the mysterious eyes. Shit."I said suction!" Tinaasan nito ang boses bagay na nagpabalik sakin sa katinuan.
Habang tinatahi nito ang maliit na artery at ang isa pang ugat na galing sa paa, he spoke.
"Mr. Solo right?" Tanong nito sakin. 70% sure pa lang ako na sya nga iyon kasi nakasoot kaming lahat ng googles. Malay mo ba naman na magkaparehas lang sila ng mata.
"Spacing out?" He mocked.
Nagtawanan ang lahat ng nasa OR.
"Oh sorry Doc." Napahiya ako.
"Why do we need to perform a bypass here?"
Turo nito sa isang ugat sa may puso.
"Because it diverts the flow of blood around a section of a blocked or partially blocked artery in the heart. By creating a new pathway to the heart, coronary bypass surgery improves blood flow to the heart muscle." Mahaba kong sagot.
Tumingin ako kay Doc Jane. Nakita kong gumalaw ang labi nito at tumango. I think she smiled.
"Well we could have done angioplasty instead.?"
He stared at me na parang nanghahamon.
"The patient had a previous angioplasty that wasn't successful, so artery has narrowed again which resulted to restenosis."
Tumango tango ang mga cardiologist sa harap ko. They seemed impressed.
I wasn't a summa cum laude for nothing. He he he
Matapos nito ang pagtahi sa maliliit na ugat ay ang ibang surgeon naman ang nag take over.
Lumapit ito sa pwesto ko. Nilapit ang bibig sa aking tenga at bumulong.
"Good job Honey. Oh by the way, that sexy ass hunted me last night. I'll see you around." He chuckled.
Saka ito nag hubad ng gown at gloves, at lumabas ng OR.
Isang makahulugang tingin ang ibinato sakin ni Dennis at Doc Jane.
BINABASA MO ANG
Take My Heart, Mr. Mandurukot (Completed)
Storie d'amore"Oh coastal na, coastal na, lahat ng bababa ng coastal." Sigaw ng kunduktor. Halos kalahati ng nasa aisle ay nagsibabaan. Since nasa dulo nakapwesto si Mr. gwapo ay huli itong gumalaw. Hindi ako gumalaw dahil sa Baclaran pa ako bababa. Papalapit na...