"Not now Ben please."
Garalgal padin ang boses ko. I've been trying to hold back the tears kanina pa."Hon. Let's go home."
Seryoso ito. Alam kong nakita nito ang nangyari kanina.I'm sure hindi nito alam ang tungkol sa mama ko kaya siguro iniisip nito na ang OA ko, na may paiyak iyak pa ako. The hell I care.
I didn't say a word. Umupo lang ako at nagpahid ng luha.
"Wanna eat somewhere?"
Hindi ako kumibo.
"I'm sorry, I din't know na ganun kahihinanatnan ng gi-."
"That's ok Ben." I cut him off.
Kung hindi ko nakilala si Jessa ay siguro mura at insulto ang inaabot ng lalaking to ngayon.
Besides, wala ako sa mood makipag talo."Let's eat." Hinila ako nito.
Dahil ayoko talaga ng kahit anong argumento ay nagpatihunod na lang ako.Napansin ko na naman ang mga matang nakatingin samin.
"Ay ang sweet pala talaga nila."
"Perfect couple."
"Bagay na bagay."
Yumuko na lang ako, hila hila padin ni Ben.
Nakarating kami sa kotse nito ng hindi ko alam kung saan kami dumaan.
"Pano mo ako nahanap." Matamlay padin ang boses ko.
"Sikat ka na dito eh."
"At kasalanan mo yun."
"Sorry hon, I know you don't like to be a public figure. It wasn't my intention though, gusto lang talaga kitang suyuin."
I didn't say a word.
Nakayuko padin ako. Ang mata ko ay parang dam na malapit ng mag overflow."You really miss her, don't you?"
"Who?!" Nagulat ako.
"Come on Ja."
Muli, hindi ako nagsalita. Malapit na kasing tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigil.
"You can cry it's ok."
Hinila ako nito at niyakap papunta sa dibdib.
There and then hindi ko na napigilan ang luha. Napahagulhol ako at parang ulan ang pag daloy ng aking mga luha.
For 3 years, inipon ko ang lahat ng sakit ng dibdib ko. I tried to be strong like papa pero sa mga oras na to, I feel so alone.
I miss her so damn much.
Yung pag luluto nya sa umaga.
Pag pingot ng tenga ko pag makulit ako.
Paglalagay ng bimpo pag pawisan ako.
Pag eencourage sakin pag wala ako sa top 5 sa exam.
Pag yakap sakin pag hindi ako makatulog.Lahat ng yun parang bumalik sakin ngayon.
"Shhhhh hon shhhhhh, I'm here." Hinihimas himas nito ang likod ko at marahang hinahalikan sa noo.
I've never cried this way before. Not even with papa, not even with Dennis.
Wala akong pakialam kung yung taong sobra kong kinaiinisan ang nakayakap sakin ngayon. All I want is to release all the pain inside my chest.
"Where ever she is, I'm sure she is so proud of you." Lalong hinigpitan nito ang pagkakayakap sakin.
Antagal kong umiyak, hindi maubos ubos ang luha ko. 3 years, tatlong taong naipon ang luhang ito.
Lagpas limang minuto na ata nang madsesisyon akong kumawala.
Pinahid ko gamit ang aking palad ang luha at sipon.I looked at Ben. I noticed na basang basa na pala ang dibdib nito, must have been because of my tears.
"I'm sorry, nabasa ka pa tuloy." Sumisinghot singhot pa ako na parang bata.
"Feeling better hon?"
Tumango ako.
"I know something that can make you feel even better."
"Hell no, hindi ako makikipag sex sayo."
I was furious, sabi na nga ba gagamitin nito ang kahinaan ko to his advantage.Tumawa ito ng malakas.
"Who said we are going to have sex!"
Napahiya ako.
"Or pwede naman if you really insist." Tumatawa padin ito.
"Gago! Ano ba kasi yang iniisip mo."
"Oh I like you better this way, hindi tulad kanina." He is referring to me being a nagger.
"And beside, pag ginawa natin yun, I want it to be very special." He whispered.Binatukan ko ito. "Porket iniyakan kita kanina pwede mo na ulit akong bastos bastusin."
"Bayolente mo talaga. Parang alam ko na ang kapalaran ko pag nagpakasal na tayo."
"Batok gusto mo ulit? Teka saan ba tayo pupunta." Napansin kong pumarada kami sa isang maliit na kainan.
"Takuyaki house!" Bulalas ko.
"I know this is your favorite."
"Wait pano mo nalaman?"
"Let's say, I always come to battle prepared." Nakangiti ito.
"Whatever." Hindi ko na ito hinintay at tumakbo na ako sa loob ng kainan at nag order.
Ilang minuto pa ay dumating na ang mga inorder ko.
"Teka kaya mo bang ubusin lahat yan?" Takang tanong ni Ben.
"Oo ikaw naman magbabayad eh." Parang hindi ako galing sa pag iyak.
"Sabi mo eh." Bulong nito.
"Nagrereklamo ka ba?"
"Hindi ah takot ko lang sayo."
"Good, ganyan ka ng ganyan magkakasundo tayo."
Magana akong kumain. Yung isandaang kilong nakapatong sa dibdib ko ay parang dalawang kilo na lang.
Sometimes, it feels good to cry.
Napansin ko nakatingin lang sakin si Ben.
I smiled."Salamat ha." I said, puno iyong ng sensiridad. Yung inis ko kanina ay nawala ng parang bula.
"I'll do anything to make you happy."
BINABASA MO ANG
Take My Heart, Mr. Mandurukot (Completed)
Romance"Oh coastal na, coastal na, lahat ng bababa ng coastal." Sigaw ng kunduktor. Halos kalahati ng nasa aisle ay nagsibabaan. Since nasa dulo nakapwesto si Mr. gwapo ay huli itong gumalaw. Hindi ako gumalaw dahil sa Baclaran pa ako bababa. Papalapit na...