Chapter 12 - Bahay

4K 183 5
                                    



Mag iisang bwan na kami sa PGH and I must say nagagamay ko na ang pasikut sikot. Nasasanay na din ako sa karumal dumal na sitwasyon ng serbisyong pangkalusugan ng bansang ito.

I want to change this kaya lang ika nga if you want to change the world, you have to to begin within yourself.

Mahaba-haba pang panahon ang kailangan upang maging makalidad ang health care system sa Pilipinas.

Isang bwan na din ng huli kong nakita si Ben.

Namimiss ko ba sya?

Aminin ko man sa hindi ay oo, yung kasweetan ni loko, yung kayabangan nito saka pag tawa sa mga korni kong jokes.

"Hays." Bumuga ako ng hangin.

Alas tres pa dapat tapos ang duty namin kaya lang may mga emergencies at nagkulang ang staff kaya we extended for 3 hours.
Dati dati kasi madami ang mga intern dito but since nag peprepare na sila for board ay nabawasan na.

This has been the set up for a few weeks at nakasanayan na ng katawan ko. Sa hospital na to naranasan ko ang totoong kahulugan ng salitang "toxic."

Alas syete na nang gabi ng dumating ako sa bahay. I was expecting na walang tao dahil panggabi ang duty ni papa sa clinic, so laking gulat ko ng maabutan ko si papa.

Nakasandal ito sa upuan at nakatulala sa kisame, nagkalat din ang mga papel sa center table.

"Pa, maaga ka ata."

Inalis nito ang salamin, kinusut-kusot ang mata saka lumapit sakin.

"Kumain ka na ba?"

"Hindi pa nga eh." Hinalikan ko ito sa pisngi saka dumerecho sa kusina.

"Anong atin brad, seryoso tayo ah." Nagbungkal ako ng pagkain at kumuha ng plato't kubyertos.

Ito naman ay inayos ang mga papel na nagkalat sa lamesa.

"Nak pasensya ka na ah." Sadya nitong pinutol ang sasabin.

Napatigil ako sa pag subo at tinitigan ito ng maigi.
This person is the happiest and jolliest person I've ever met. And seeing him now, there must be something bothering him. Alam ko may malaki itong problema.

"Anong problema pa?"
Seryoso kong sabi habang pinagpatuloy ang pag subo ng pagkain.

"Nak, kailangan na nating lumipat ng bahay."
Halos pabulong na ang pagkakasabi noon.

Napatigil ako sa pagkain. "Why?"
Ngunit may idea na ako sa mga nangyayari.

"Matagal nang nakasanla ito nak, nung nagpagamot mama mo sa Singapore, Nagdesisyon akong isanla ito dahil walang wala na talaga tayo."

"Pero akala ko hindi nyo ginalaw to."

"Sorry anak, hindi ko gustong gawin yun pero wala na akong choice, gusto ko lang gumaling ang mama mo." Napuno na naman ng hinagpis ang boses nito.

Lumapit ako kay papa at niyakap ito ng mahigpit. Alam kong ambigat bigat na ng dinadala nito pilit lang nagpapakatatag para sakin.

"I understand Pa." Hinimas himas ko ang likod nito. "Pinapaalis na ba tayo ng pinagsanlaan nyo?"

"Matagal na, nakikiusap lang ako at humihingi ng palugit."

Bumitaw ako sa pagkakayakap at inikot ang paningin sa loob ng bahay.

Malaki ang bahay na to, kung sa bahay lang ay iisipin mong mayaman talaga ang nakatira dahil moderno ang disenyo at may dalawang palapag. Malaki din ang bakuran at garahe, madami kasi kaming sasakyan dati.

Ang bahay na lang na ito ang nagpapaalala kay mama. Ito din ang aking kinalakihan kaya may sentimental value ito sakin.

Sunod sunod na buntunghininga ang pinakawalan ko. Wala akong magagawa, kailangan kong tanggapin na ang buhay namin ngayon ay hindi na tulad ng dati.

"Pa, ibebenta ko na lang tong iphone para makadagdag sa pang tuition ko."

"Ano ka ba, pinag hirapan ko yan saka diba gustong gusto mo yan. Wag mong isipin ang tuition, may napagkukunan pa naman ako eh." He smiled, punong puno ng positivity ang mukha nito.

"So kelan tayo dapat makalipat?"

"Sabi nung abugado asap daw."

"Kanino pala ito nakasanla Pa?"

"Sabi ni Mr. Robles hindi daw talaga sa kanya galing ang pera, sya lang ang nag tatrasact at pinapatungan lang nya kaya hindi ko din alam."

"Ah, kung kilala sana natin baka mapakiusapan pa."

"Nak, ilang beses ko na ginawa yun. Wala na daw maibibigay na palugit, sympre unless matubos natin."

Hindi na ako nagsalita, wala naman na ata talaga akong magagawa.

"Pasensya na nak ah, yaan mo, makakabangon din tayo. Pagbutihan mo lang pag aaral mo. No matter how difficult a situation is, it will change." Puno nang assurance ang boses nito.

Ngumiti lang ako at tumango.

Niligpit ko na ang kinakain ko. Wala na akong gana. Si Papa naman ay umakyat sa kanyang kwarto.

Yes, this will change. Pero kailan?

Take My Heart, Mr. Mandurukot (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon