Chapter 10 - 1 week

4.3K 182 6
                                    



At dahil hatinggabi na, wala nang trapik kaya ilang minuto lang ay nakarating na ako sa bahay.

Naalala ko Ben.

I took my phone out at tinype ang pangalan nito.

"Hello. Namiss mo naman agad ako." Sagot nito sa kabilang linya.

"Sira, baka kako kailangan mo ng kausap at baka makatulog ka."

Nagulat din ako sa ginawa ako. I could have went straight to my bed and snooze pero nilalabanan ko ang antok dahil sa lalaking ito.

"Ay ang sweet ng honey ko oh." Tumatawa ito sa background. Tawang pang asar.

"Balakajan." Akma kong ibaba ang tawag.

"Hala grabe naman magtampo oh."
Nararamdaman ko padin na nakangiti ito sa kabilang linya.

"San ka na ba banda?" Pinigilan ko ang pilit na pag hikab.

"Papasok na ng cavitex. Matulog ka na alam ko naman na pagod ka eh."

"Hintayin na kita makalabas cavitex baka makatulog ka dyan eh."

"Sweet talaga." He chuckled.

"Salamat nga pala sa pag hatid ah. Naabala ka pa tuloy."

"Abala? Sino nagsabi sayo na abala ang ginawa ko?"

Natouch naman ako doon.

"Sabi sa google." I tried to sound funny, alam ko korni yun. Humor is not my forte.

"Ha ha ha ha" tumawa ito ng malakas na sobrang kinagulat ko.
Ang korni kaya ng joke na yun.
Somehow nakakahawa nag tawa nito kaya nakitawa na din ako.

"Damn you are adorable!" He said naririnig ko padin ang mahinang pag tawa.

"Ano?" Kunyari di ko narinig

"Sabi ko ano ang suot mo ngayon?"
Tanong ni Ben.

"Eh di boxer shorts at sando, alangan naman
mag long sleeves ako sa pagtulog." I let a small grin out.

"I wish I can see you and your perfect ass."

"Tigilan mo nga ako sa kamanyakan mong yan. Oh san ka na banda?"

"Ha ha ha, dito na sa coastal oh sya, matulog ka na good nyt." Narinig ko ang isang kiss sa kabilang linya.

Hindi ko maiwasan ang mag isip.
Trip trip lang nya lang yan James.
Don't fall into his trap!

Saka ako nakatulog.

---------

Today is friday. Last duty sa ng linggo. Pang limang araw ko nang kasabay kumain itong si Ben at pang limang araw na din akong hinahatid.

"Tara na?" Aya nito sakin.

As usual kinukulit ko ito para hindi makatulog. Nagkukwento ako ng kung ano anong bagay, nagpapatawa.

Napagkwentuhan namin ang pag babati ng North at South Korea,
Ang Brixit, pati na ang latest kay Kim Kardashan.

"Hon." Sinandya nitong putulin ang sasabihin.

Napataas ako ng kilay. Him calling me Hon or Honey makes me cringe. Not that I don't like it. Ayaw ko lang masanay, kasi pag nagsawa na ito sakin, tyak ako ang kawawa.

"I've been inviting you for a date, bakit hindi mo ako mapag bigyan?" Naglungkot lungkutan ito.

"Come on Ben, wala sa demand mo yun."

Parang naging totoo ang kalungkutan nito. I'm not sure, baka guni guni ko lang.

"And besides, 1 week na lang namin kami sa hospital nyo kasi babalik na kami sa PGH. By that time siguro tapos na din naman ang demands mo diba."
3 weeks lang kasi kami sa hospital na yun, dun lang kami termporary kasi masyado nang madami sa PGH.

Nalungkot din ako. Sino ba ang hindi matutuwang pag laanan ka ng atensyon ng isang gwapo at super sexing lalaki.

But this has to stop. Wala sa karakter nito ang true love at serious relationship.

Kumunot ang noo nito.

"1 week? Bakit hindi ko alam yan?"

"Ewan ko." Nagkibit balikat lang ako.

Mula noon hindi na ito nagsalita at pinaharuruot na lang nag mabilis ang sasakyan.

Take My Heart, Mr. Mandurukot (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon