Chapter 30 - Di Ako Fuckboy

3.7K 157 15
                                    



"Ja, wag kang magalit sa kanya. Listen to him."

"What are you talking about pa? Diba dapat galit ka din sa kanya?"

"No son, he will explain later, give him a chance ok?"

"I don't understand what's happening."

"Trust me son."

Doon ko narinig tumugtog ang gitara mula sa banda.

Ano bang meron?
Bat di mo ko kayang pansinin?

Nakatingin ito sakin habang nakangiti.

Panget ba ako sa'yong paningin?
Ano bang meron?

Natatakot ka ba?
Na baka ay masaktan kita?
Pero sinta wag kang magalala
Di naman ako tulad ng iba

Wala man akong magagarang kotse,
"Marami ako nun."
narinig kong sabi ni Ben, nagtawanan ang mga tao.
Wala rin akong perang marame
"Madami din ano nun."
Lumakas ang tawanan.
Pero ang kaya kong ibigay ay ang puso ko
kaya sana naman ako'y

Pagbigyan mo na sana ako,
di naman ako tulad ng inaakala mo
Di naman ako gwapo
wala ring auto
at ang kayang ibigay lang ay ang puso ko
Kaya wag mo na sana akong itaboy
Kasi di naman ako fuckboy!
di naman ako fuckboy!

(Di Ako Fuckboy- Jroa)

Naghiyawan ang mga tao. Hindi naman maganda ang boses ni Ben.

Ewan ko lang, siguro kasi may itsura ang kumakanta kaya nakaakit ito ng fans.
Looks can be deceiving.

Bumaba ito ng stage papalapit sakin.
Para namang tubig ang mga tao at si Ben ay sa si Moses. Nahawi ang mga tao sa dadaanan nito.

I made a fist. Sige lapit lang, at manghihiram ka ng mukha sa aso.

"James, I am warning you. Let him explain ok."

"Hi." Nasa harap na pala namin si Ben.

"Oh Reu, nahirapan ako kumbinsihin tong magpunta dito. Galingan mo ah, galit pa sayo yan baka masuntok ka."

"Yes tito, salamat po."
Saka nag yakap ang dalawa.

Ano bang nangyayari dito?
Is there something I don't know?

"I miss you hon." He said in a very husky and subtle way.

Tinitigan ko lang ito ng masama.

"Can we talk somewhere private please?"

"What for?"

"I'll explain, not here please."

"Akala mo ba madadala mo ako sa pakanta kanta mong yun?"
Nagpupuyos padin ako galit but deep inside, someone is telling me na sumama dito. Papa told me to listen to him.

Ok, lets look at the other side of the coin.

Hinawakan ako nito sa kamay at hinila. Narinig kong naghiyawan ang mga tao. Some were cheering.

"Good luck pogi!" Sigaw ng isang lalaki.

"Patawarin mo na si pogi!"

"Ninong ako ng anak nyo!"

"Siguraduhin mo lang na hindi ito lalabas sa facebook." Pilit kong hinihila ang kamay ko pero mahigpit itong nakahawak sakin.

"Hindi ko maipapangako yan hon."

"Where are we going?"

"Somewhere private."

We are already entering the parking space of the mall.

Bigla itong tumigil at humarap sakin.
Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Ben.

"I miss you so much Hon. I love you so much."

Tinulak ko ito at inundayan ng napakalakas na suntok sa panga. Doon ko binuhos ang galit at hinanakit ko sa loob ng ilang linggo.

Napaupo ito a sahig hawak ang labing dumudugo. Umiiling iling na parang mawawalan ng malay.

"I'll give you 5 minutes to talk."

"Do you still love me hon?" Tanong nito, nakaupo padin sa sahig.

"Tumayo ka dyan. You still have 4 minutes and 56 seconds"

Bumuntonghininga ito saka tumayo nang paika ika.

"I was never obsessed with your father. The only person I am obsessed with is you."

"What's with the pictures then?"
Hindi padin ako naniniwala.

"Wala akong kinalaman doon. Halos isang taon na akong hindi umuuwi sa bahay sa Dasma."

"Nakita ko yung picture nyo ni papa."

"Of course may picture kami. Kami ang may ari ng clinic na pinag tatrabahuhan ni Henry."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
I don't know kung maniniwala ako sa mga sinasabi nito. But papa seemed to trust him.

"So you're saying that Sam just made up those stories?"

"You don't know her Ja, she is a very dangerous person."
Nalilito padin ako sa mga pangyayari.

"Diba pinsan mo sya?" Labis akong nagtaka.

"No! She was my ex. And it seems like she will do anything just to have me back."

Isang malakas na palakpak ang narinig ko sa kalayuan.

"You got it right Reu. Anything."
Nakangisi ito na parang baliw. Antanga ko. Napaniwala ako ng baliw na babaeng ito.
Saka ko na pansin ang apat na lalaki sa likod nito.

"Sam, we are over. Can't you just move on?"

"No! Never Reu!"
Sigaw nitong galit na galit.

"You will pay for this Sam." Sabi ko. Ang lahat ng galit ko kay Ben ay kay Sam nalipat.

"I thought mahihirapan akong kumbinsihin ka James kasi matalino ka. Pero tatanga tanga ka din pala! Hindi ko alam kung bakit hindi ka pa na dismiss sa med school eh."

"What do you mean?"

"Remember Mang Jerry? Nung umalis ka sa kwarto nya naihi ang matanda. Kaya pinalitan ko ng Ranitidin ang gamot nya. Sayang di napuruhan eh." Tumatawa ito ng ng malakas. Parang hindi ito ang Sam na nakilala ko.

"You're evil Sam do you know that?" Sabi ko, samutsaring emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

"Love can make you evil James. Saka yung Ben na manliligaw ng tatay mo, ako din may plano nun. Isn't it clever!" Tumigil ito sa pagtawa. "Bugbugin nyo yang dalawang yan. Itali nyo si Reu at dalhin sa kotse. Yang isa patayin nyo na." Saka ito naglakad papalayo.

3 years of training, dito magkakasukatan James. Show them what you got.

"Dito ka sa likod ko Ben."
Bumuntonghininga ako at ipinusisyon ang kamay na parang sa boxing habang ang isang tuhod ay itinaas. This is my favorite muay thai stance.

Tumingin sakin si Ben, kumunot noo.

"What are you doing? Are you crazy? Apat yan hon, wala kang laban dyan."

"Watch me."

Take My Heart, Mr. Mandurukot (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon