"I heard about Lance..."
Naging slow motion ang aking pagnguya nang marinig ko ang sinabi ni Daddy.
"Muli na syang magpapakasal doon sa ka-long time girlfriend nya."
Marahan akong napabitaw sa hawak na kubyertos.
Nakailang beses pa akong napalunok bago matapang na sinalubong ang mapanuring tingin ni Daddy sa akin.
Hindi ako nakapagsalita.No,wala akong alam na salita kung ano ang isasagot sa kanya.
"Matagal na panahon na ang dumaan matapos ma-annulled ang inyong kasal,he's doing fine now...alam kong ganoon ka rin."
Paano...paano nya nasabi na maayos lang ako?kung sa bawat araw na dumadaan ay lalo akong binalot ng pangungulila sa kanyang pagkawala mula sa aking buhay?
"Aryanna,please be professional..."
Sinalakay ako ng matinding kaba sa aking dibdib.
"What do you mean,Dad?"Sa wakas nagkaroon din ako ng lakas para magtanong.
"Ang iyong susunod na misyon..."
Hindi ko maiwasan ang hindi panlamigan ng kamay habang inaantay ang iba pang sasabihin ni Daddy.
"...ay para protektahan ang ex-husband mong billionaire."
Napatayo ako nang wala sa oras.Nanigas ang aking braso dahil sa higpit ng pagkakuyom ko sa aking kamao.
"Work is work,Aryanna...hwag mong isali ang personal mong nararamdaman para dito.Pakatatandaan mo iyan."
☆☆☆
BINABASA MO ANG
Kung Sana Noon Pa
ActionWe got married. We separated. Iniisip ko,bakit napaka-unfair ng buhay? Sya,naka-move on na.. Ako,heto...nagtitiis parin at nangangarap na sana balikan nya. Hanggang kailan ako maghihintay?kung ang taong inaantay na balikan ako ay nakulong na pala sa...