Ikalabing-siyam na Kabanata

9.9K 242 9
                                    

Hindi ko naramdaman kung gaano kalayo ang aking binyahe dahil parang nawawala na ako sa aking sarili sa isiping nawawala ang aking anak.

Nakakatulong din ang mabilisan kong pagdating sa aming bahay..sa aming tahanan na tatlong taon ko na ding kinalimutan.Dahil sakay ako ng aking motorsiklo.

Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay nasa harapan na ako ng gate namin na humihinga pa din at safe sa paglalakbay kahit na nga ba pakiramdam ko ay hindi na sumasayad sa lupa ang gulong ng aking motorsiklo kanina dahil sa bilis ng aking pagpapatakbo.

I entered the passcode at bigla namang bumukas ang gate.Ang bait talaga ni Daddy.Ni hindi nya nagawang palitan ang passcode ng gate...isa lang ang ibig sabihin nito.Inaantay parin nya ang aking pagbabalik.Ibig sabihin ba nito ay welcome parin ako dito kahit na nga nagrebelde ako at umalis nang hindi man lang nya alam?

Gusto kong humagulgol ng iyak dahil sa naisip kahit na nga ba kanina pa namumugto ang aking mga mata dahil sa hindi mapigilang luha na kumawala mula doon.

Tinungo ko ang maindoor at muling pinindot ang passcode.Nakahinga ako ng maluwag nang bigla din iyong bumukas.Ihinanda ko na ang aking sarili sa muling paghaharap namin ni Daddy.Alam kong mapapatawad nya ako lalo pa at kapakanan ng kanyang apo ang nakasalalay dito.

Kung anumang parusa ang ipapataw nya sa akin dahil sa pagtalikod ko sa aking obligasyon..buong puso kong tatanggapin iyon.Basta ba ipangako nya sa akin na tutulungan nya akong mahanap si Ralph Laurent!

Marahan kong itinulak ang pintuan at pagkatapos ng mahabang buntong hininga na aking pinakawalan ay saka ko ihinakbang papasok ng bahay ang aking mga paa.

Welcome home...ang saya sana kung kasama ko ang aking anak,sa muli kong pagbabalik tulad nito.Kaso,umuwi ako na problema pa ang pasalubong ko para kay Daddy.Haist,pagkakataon nga naman.

Hapung-hapo ako nang tunguhin ko ang aming sala pero naantala ang aking paghakbang nang matanaw ko kung sino ang laman ng sala.

Imbes na takbuhin para yakapin sya ng mahigpit ay para tuloy nanlalambot ang aking mga tuhod dahil sa nasaksihan.Napasandal ako sa pader habang nakatitig sa kanyang likuran.

Nabunutan ng tinik ang aking dibdib.Ang lungkot na bumalot sa aking puso ay biglang napalitan ng tuwa.Nakahinga ako ng maluwag at kaagad na nagpasalamat sa Diyos.

Ang akala ko nasa kapahamakan na ang buhay ni Ralph Laurent!Hindi ko talaga inaasahan na ito ang madadatnan ko.What a surprise!

Mabuti nalang ay wala akong sakit sa puso dahil kung hindi ako na pala ang unang mawawala dito sa mundo..bago ko pa matagpuan at malaman na nasa mabuting kamay pala ang aking anak.

Marahan kong pinahid ang bakat ng luha sa aking pisngi.Hindi ko alam na mas maiiyak pa pala ako sa kaalaman na nasa loob ng aming pamamahay ang anak ko.Ang sakit din pala sa puso kapag masusurpresa ka.Kasi hindi mo mailagay sa tama ang lundag ng kaba sa iyong puso.

Napabaling ang aking paningin sa may hagdan nang mapansin ko na may isang malaking bulto na bumaba mula doon.

Nanlalaki ang aking mga mata nang hindi inaasahang tao ang aking makita.Napakurap ako nang biglang magsalubong ang aming paningin.

Napalunok ako ng mariin habang sinusundan ng paningin ang kanyang bawat hakbang.Bakit parang ang laki ng kanyang pinagbago?

Napansin ko kasi na parang maputla sya at parang bumagsak din ang kanyang pangangatawan.Sa pakiwari ko,para syang nagkaroon ng malubhang sakit at ngayon lang nakarecover.Pero...hindi naman nabawasan ang kakisigan nitong taglay.

Ipinilig ko ang aking ulo.Three years ago...nangako ako sa aking sarili na hindi na ako magpadala sa sigaw ng aking damdamin.Akala ko tuluyan ko na nga syang nakalimutan...pero mali ako.Dahil heto na naman ako,halos hindi ko maawat-awat ang sobrang kaba na nagwawala sa aking dibdib.

Kung Sana Noon PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon