Ikaapat na Kabanata

9.1K 262 16
                                    

Kanina pa ako hindi mapakali dito mula sa kinatatayuan ko habang pasimple kong tinatapunan ng tanaw ang isang lalaki na nakatalikod hindi kalayuan mula sa entrance ng bake shop na pinasukan nina Lance at Francine.

Kasalukuyang nasa loob kasi ang dalawa kasama nila ang kanilang wedding planner..habang ako,heto nakabantay sa labas ng pintuan.

Napansin ko na ang lalaking iyan kanina pa eksaktong pagkapasok ng dalawa sa loob ng shop.Ang ipinagtataka ko ay kung bakit hindi man lang sya lumilingon sa aking direksyon.Parang ikinukubli nya ang kanyang mukha.

Bahagya akong ngumiti nang mahagip ng aking mata ang gwardya sa kabilang pintuan.Bigla namang umaliwalas ang kanyang mukha lalo pa at bahagya ko syang kinindatan.

Hindi pwedeng mahalata nya na may inuobserbahan akong  tao.Sa mundong ginagalawan ko hindi pwedeng magtiwala kahit kanino.Hindi ko alam na baka kasabwat ng salarin ang mga taong nakakasalamuha ni Lance.Kaya kailangan na magiging maingat ako.

Hinakbang ko ang pagitan namin ng gwardya kaya napansin ko ang pag-aliwalas ng kanyang mukha.Habang papalapit ako sa kanyang kinatatayuan ay palihim ko ring tinatanaw mula sa aking peripheral vision ang nakatalikod na lalaki.

Naging alerto ako nang mapansin kong bigla syang kumilos.Lumayo sya mula sa kanyang pwesto at sa isang iglap ay bigla nalang syang nawala sa aking paningin.

Oh,this is weird!

"Brod!may sigarilyo ka dyan?"

Binigyan ko ng matamis na ngiti ang gwardya na syang ikinataranta nya.Kaagad na nagdiwang ang aking puso nang makita kong nagmamadali nyang kinapa ang kanyang bulsa at inilabas mula doon ang lalagyan ng kanyang sigarilyo.Bumunot sya ng isang stick bago nya inabot sa akin.

"Lighter..."

Inilagay ko sa aking bibig ang sigarilyo at maagap naman nya itong sinindihan.

"Salamat!"

Marahang pagtapik sa kanyang balikat ang aking ginawa bago ako bumalik sa aking pwesto.Naging mailap ang aking mga mata habang humihithit ng sigarilyo.

Saan kaya sumuot ang lalaking iyon?

Hindi ko pa nga nakakalahati ang hawak na sigarilyo nang bigla itong mawala mula sa aking pagkakahawak.

What the----

Tataas na sana sa ere ang kabila kong paa para patikimin ng isang malakas na side kick ang taong mapangahas na umagaw sa aking sigarilyo nang bigla akong matigilan.

Nalingunan ko si Lance na halos hindi na maipinta ang mukha dahil sa inis!

"Sumama ka dito para bantayan ako at hindi makipag-flirt sa kahit kaninong lalaki!"bulyaw nya sa akin.

Aba't-----

Itinapon nya sa sahig ang hawak nyang sigarilyo bago nya walang awa na inapakan iyon.Kitang-kita ko pa ang paggalaw ng kanyang panga bago nya tinapunan ng nakamamatay na tingin ang kawawang gwardya.

Hindi ko man lang nagawang sumagot dahil sa pagkagulat kaya tanging pagkurap na lamang ang aking nagawa hanggang sa talikuran nya ako at muling pumasok sa loob ng bake shop.

Napapailing nalang ako habang hinahatid ng tanaw ang kanyang likod.

Parang humingi lang ng sigarilyo...flirt na kaagad?ibang klase.

*

*

*

Kumikislap na wedding gown ang bumungad sa aking paningin nang pumasok ako sa loob ng dressing room.

Parang kinurot ang aking puso nang matanaw ko mula sa salamin ang dalawang mukha na kapwa masaya habang nakatitig sa eleganteng gown.

The last time i remembered...ako ang nasa lugar ni Francine.Sa akin lang nakalaan ang genuine smile ni Lance habang sinusukat ko ang aking wedding gown.Pero ngayon-----

Inilipat ko sa ibang direksyon ang aking paningin bago pa mahagip ng kanilang mata na nakatitig ako sa kanila.

Kumurap-kurap ako para mawala ang namumuong luha mula sa sulok ng aking mga mata.

Muli akong lumingon nang biglang tumunog ang cell phone ni Lance.Saglit syang nagpaalam kay Francine para sagutin ang tawag.

"Aryanna!"

Nagulantang ako nang bigla akong tawagin ni Francine.Saglit pa akong napalunok nang malingunan ko syang suot na nya ang kumikislap na wedding gown kanina.

"Pakisara yung zipper ng gown."

Walang kangiti-ngiting utos nya sa akin.Napakagat ako sa aking labi bago hinakbang ang pagitan namin.

Nasa labas si Lance kaya no choice kundi ako nalang ang magsasara ng gown ng hinayupak na ito!

Kaagad syang tumalikod para igiya sa akin ang nakabukas na zipper ng suot nyang gown.

Huminga ako ng malalim bago ko hinawakan ang dulo ng zipper.Marahan ko itong itinaas pero bigla akong natigilan nang makuha ng aking pansin ang tattoo na nakaguhit sa kanyang kanang balikat.

Kung hindi ako nagkakamali parang nakita ko na ang design na iyan.Biglang naglikot ang aking utak kasabay ng panlalamig ng aking kamay.

Yung panyo na natagpuan ko sa sahig ng silid ni Lawrence!

"Ano ba talaga ang pinaplano mo?"

Bigla akong napabitaw nang biglang magsalita si Francine.

"Kung inaakala mong bumalik pa sa'yo si Lance kaya ka nagpresenta na magiging bodyguard nya..nagkakamali ka!para sabihin ko sa'yo,hinding-hindi na nya babalikan ang babaeng naging kriminal sa kanyang paningin!"

Napakuyom ako sa aking kamao at sa isang saglit ay naging blangko ang aking utak.

"Trabaho ang dahilan kaya ako nandito ngayon.Hwag kang mag-alala at mas lalong hindi ko narin babalikan ang taong isinuka ko na at pinagsawaan.Ramdam kong hindi ka yata panatag kahit na papalapit na ang inyong kasal?bakit?hindi ba nakapasa sa kanya ang performance mo kaya nababahala ka na baka humanap sya ng ibang babae na magpapainit sa kanyang kama?"

Bigla syang humarap at matapang nyang sinalubong ang aking paningin.

"How dare you!"

Maagap kong sinalo ang kanyang palad bago pa iyon dumapo sa aking pisngi.Nagtagisan kami ng titig.Naaaninag ko ang kanyang mapanganib na pagkatao.

Ako lang ba?o,talagang nakikita ko na may itinatagong lihim itong babaeng kaharap ko ngayon?

☆☆☆

Kung Sana Noon PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon