Napakunot ang aking noo nang marinig ko parin ang kulitan nina Lance at Ralph Laurent habang pababa ako ng hagdan.
Anong oras na ah!
Nakakain na kami ng dinner at nakaayat na din ako para maligo pero hindi parin sya nakakauwi?
Huminga ako ng malalim bago tinungo ang sala nang tuluyan na akong makababa mula sa hagdan.
"Mama,ayokong aalis si Papa..bakit hindi sya dito matutulog eh nandito naman tayo ni Grandpa?"
Hindi pa nga ako nakakalapit,iyon na kaagad ang pambungad ng anak ko sa akin.Napalunok ako ng mariin habang naghahanap ng magandang sagot.Ito na nga ba ang sinasabi ko!
"Sweetheart,may trabaho kasi ang Papa mo-"
"I'm not going home tonight.Dito ako matutulog na kasama mo,baby."
Putol nya sa aking sasabihin na syang ikinabilog ng aking mata.Dito matutulog?how about your wife,then...
"Lance!"may babala sa aking boses.
Ayokong sasanayin nya ng ganito ang anak namin dahil alam kong masasaktan lang ang bata sa ginagawa nya.
"Oh ano Laurent,sa tabi ka ni Papa matutulog ngayong gabi?"
Pakiramdam ko ay para akong invisible lang sa kanyang paningin dahil tanging na kay Ralph Laurent ang kanyang atensyon.
"Yes po,Papa!"excited namang sagot ng bata.
Napabuga nalang ako ng hangin nang maagap na tumayo si Lance habang karga ang anak namin.
"Kailangan nya munang hugasan at bihisan bago sya patulugin."nakahalukipkip kong paalala.
"Ako na ang gagawa.May dala na din akong iilang damit nya kanina na ihinanda noong matandang babae.Nandoon na din sa loob ng guest room."
Tumaas ang aking kilay dahil sa narinig.Mukha namang hindi halatang pinaghandaan eh,noh?
"Mama,doon ka rin po ba matutulog?kasama namin ni Papa?"
Bigla akong nataranta sa tanong ng anak namin.Aba,ibig kong magsisi kung bakit lumalaking matalino itong anak ko!bihira kasi sa mga batang kasing edad nya ang ganito katabil ng bibig eh!
"Hindi anak...kasi ano,marami pang aayusin na gamit ang Mama doon sa taas.Mauna na kayong matulog ni Papa,okay?"
Napasabunot nalang ako sa aking buhok nang mapansin ko kung gaano kadaling mahulog ang loob ni Ralph Laurent sa kanyang Papa.No,hindi dapat ganito ang mangyari!
Nang mawala sila sa aking paningin ay saka pa ako kumilos.Tumuloy ako sa terrace at doon tumambay.Hindi ko mawari kung ano nga ba ang dapat kong maramdaman.Maraming katanungan ang syang gumugulo sa aking isipan pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan dahil hindi ko alam kung kanino ako dapat magtanong.
Ilang oras din ang lumipas bago ko naisipang pumasok sa aking kwarto.Marahan kong binuksan ang pintuan ng aking silid bago tamad na pumasok sa loob.
Nagulat ako nang may pumigil sa pagsara ko ng pintuan.Bigla akong napaharap pero muntik na akong mawalan ng balanse nang bigla akong yakapin ni Lance ng mahigpit.Ilang segundo akong natulala.
"I miss you,so damn much..Arrianne!"
Napakurap ako at napalunok ng mariin.Totoo ba itong nangyayari ngayon?o,guni-guni ko lamang?
Bigla ko syang naitulak nang manumbalik ang aking katinuan.Pero mas lalo lang humigpit ang kanyang pagkakayakap sa akin.
"Lance-"
BINABASA MO ANG
Kung Sana Noon Pa
ActionWe got married. We separated. Iniisip ko,bakit napaka-unfair ng buhay? Sya,naka-move on na.. Ako,heto...nagtitiis parin at nangangarap na sana balikan nya. Hanggang kailan ako maghihintay?kung ang taong inaantay na balikan ako ay nakulong na pala sa...