"So,bumalik na naman sa dati ang buhay mo simula nang mawala ka sa poder ko,huh!?"
Napamulat ako ng mga mata ng wala sa oras.Hindi ko maiwasan ang hindi mapabuntong-hininga nang mabungaran ko ang seryosong mukha ni Lance habang nakahalukipkip at walang kurap na nakatitig sa akin.
Muli kong hinithit ang hawak na sigarilyo at wala sa sariling ibinuga ang usok nun.Pero mukhang mapagbiro yata ang hangin dahil dinala nya ang usok kung saan nakatayo si Lance sanhi para mapaubo ito.
Napamura ako ng mahina habang tinitingnan ang namumula nyang mukha buhat sa pag-ubo.Alam ko naman na allergy sa sigarilyo si Lance.Ito ang unang dahilan kung bakit huminto ako sa paninigarilyo noon.
Kung kadalasan na makikita at maririnig nyo ay lalaki ang syang mabisyo at babae ang syang mabait.Diba nga lagi nating nababasa sa mga pocket book yung mga character na 'bad boy'..sa kaso namin ni Lance,kabaliktaran iyon.
Si Lance yung lalaking hahanap-hanapin ng isang babae.Papangarapin at hindi basta-bastang mabibitawan.Kasi nasa kanya yung katangian na mahirap makita sa ibang lalaki.
Hindi ko alam kung paano nga naging kami kasi kahit ako..aaminin ko talaga sa sarili ko na hindi kami match sa lahat ng bagay.
Hindi nyo na masisisi kung bakit ako ganito.Lumaki ako sa pangangalaga ni Daddy at hindi ko naranasan ang kalinga ng isang ina.
Hindi naman bad influence si Daddy.Sya nga itong Daddy na mabait sa lahat ng mabait.Bata pa lamang ako nang mamatay si Mommy pero ni hindi na muling humanap ng ibang babaeng makakasama si Daddy.Itinuon nya sa akin ang kanyang atensyon at sa kanyang trabaho.
Ibinigay nya sa akin ang aking luho kaya lumaki akong bulakbol at tigasin.Daig ko pa ang mga lalaki kung kumilos kaya naman ni walang makapagtatangkang manligaw sa akin kahit na nga ba umaapaw naman ang aking kagandahan.
Pero hindi ko buong akalain na magbago ang lahat nang makilala ko si Lance.Sa kanya unang tumibok ang aking puso..
Dahil sa kanya,pinilit kong iwasan ang lahat ng bagay na ayaw nya.Tulad ni Daddy..lahat ibinibigay nya pero sa kabila ng lahat ng iyan ay pareho din sila ni Daddy kung gaano kahigpit.Salita nila ang batas sa loob ng pamamahay.
Pero minahal ko sya..minahal ko sya nang higit pa sa buhay ko na hanggang ngayon ay patuloy ko paring nararamdaman.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito!?"
Singhal ko sa kanya sabay tapon ko ng hindi pa nakakalahati na hawak kong sigarilyo.Lance na'to sinisira nya talaga ang pagmo-moment ko!
Nagkibit lang sya ng balikat bago lumapit sa swing.Kaagad kong nai-bend ang aking tuhod nang walang babala syang sumampa sa kabilang dulo ng swing.
Nakabuka ang kanyang magkabilang hita kaya napagitna ako doon.Marahan nyang hinila ang aking mga paa at malaya nya iyon ipinatong sa ibabaw ng kanyang hita.
Saglit kaming nagkatitigan pero hindi ko man lang nagawang magsalita.
Naglikot ang aking mga mata bago ko sinubukang magsalita.
"Baka makita tayo ni Daddy.."taranta kong sambit.
"Hindi iyon lalabas.Abala sya sa kusina."balewalang sagot nya.
Huminga ako ng malalim para mapunan ng hangin ang aking dibdib.Hindi ko maintindihan kung bakit ang lakas ng loob nya na gawin ito.
"You should stop smoking,Aryanna.Its dangerous to your health."pangaral na naman nya sa akin.
"Why do you care?tutal baga ko naman ang masusunog at hindi sa'yo.Kung mayroon ka mang pangaralan alam mong hindi na ako dapat iyon."sarkastiko kong sagot.
BINABASA MO ANG
Kung Sana Noon Pa
ActionWe got married. We separated. Iniisip ko,bakit napaka-unfair ng buhay? Sya,naka-move on na.. Ako,heto...nagtitiis parin at nangangarap na sana balikan nya. Hanggang kailan ako maghihintay?kung ang taong inaantay na balikan ako ay nakulong na pala sa...