Ikalabing-limang Kabanata

8.8K 221 7
                                    

Isang Linggo ang lumipas...

*

*

*

Malalakas na katok sa pintuan ang nagpagising sa akin kinabukasan.Napangiwi ako nang bahagya kong imulat ang aking mga mata dahil sa sobrang hapdi non.Paano ba naman kasi..kaiidlip ko pa lamang,fifteen minutes ago.

Magdamag akong nakatitig sa kisame at magdamag ko ding binantayan ang bawat tiktak ng orasan na nakakabit sa aking dingding.

Kung pwede ko lang sanang i-freeze ang lahat para hindi na darating ang araw na ito...di sana ginawa ko na.Kaso,alam ko naman sa sarili ko na wala akong kakayahan na gawin ang isang bagay na alam kong imposibleng mangyari.

Hindi naman kasi ako nakatira sa fantasy world eh...na pwedeng gawing magic ang lahat.Nandito ako sa reality.Sa totoong mundo na kung saan mapagkunwaring tao ang nasipagkalat sa aking paligid.

"Aryanna,gumising kana at mag-ayos...baka mahuli pa ang groom papunta sa simbahan dahil sa'yo.."si Daddy iyon.

Mas lalo kong hinigpitan ang pagyapos ng kumot sa aking katawan.You heard it right!ngayong araw gaganapin ang wedding ceremony ng lalaking pinakamamahal ko.

Pagkatapos ng araw na ito ay magkakaroon na sya ng bagong pamilya sa piling ni Francine.I should be happy,right?kasi..sa wakas ay magiging maligaya ulit ang lalaking nagluluksa sa mahabang panahon nang dahil sa akin.

Ang sabi nila,kapag mahal mo ang isang tao dapat ipagpaubaya mo sya.Naguguluhan ako sa kasabihang iyan,eh!hindi ba dapat---kapag mahal mo ang isang tao dapat ipaglaban mo.

Huminga ako ng malalim bago muling napaisip.Paano ko nga ipaglaban ang isang tao kung sya na mismo ang gumagawa ng paraan para tuluyan ng mawala mula sa aking piling?Kapag iyon ang gagawin ko..i'm sure,pareho lang kaming masasaktan.

"Aryanna,okay matulog ka hanggang kailan mo gusto and you're grounded!mark my word,darling!"may pagbabanta na sa boses ni Daddy.

Kaagad akong napabalikwas ng bangon dahil sa narinig.I'm grounded?oh no,Dad!!mamamatay ako kapag ikinulong nya ako sa bahay!

"Daddy,heto na nga nag-aayos na po!"

Mabilis kong tinakbo ang aking banyo para makapag-quick shower.Matapos maligo ay kaagad ko nang tinungo ang cabinet at mabilis na binuksan iyon.

Napakagat ako sa aking labi bago inilabas ang black suit na inihanda kong susuutin sa kasal ni Lance.I'm fine with this color...para naman maibatid ko sa aking sarili na ihahatid ko si Lance sa kanyang hantungan ngayong araw.Aba,syempre...nagluluksa po ako,kaya kamatayan ang araw na ito sa akin!

Inisa-isa kong ikinabit sa aking katawan ang mga apparatus na binigay sa akin ni Daddy kasama na yung silencer na lagi kong ginagamit.Hinayaan kong nakalugay ang aking buhok.Nang maisuot ko na ng maayos ang aking damit ay saka ko pa tinitigan ang aking repleksyon sa full-lenght mirror.

Mukha naman akong nakikiramay sa outfit kong ito.Tsk!who cares anyway?tumaas ang aking kilay bago binalingan ang bag na kung saan naroon ang aking laptop.Nakailang beses muna akong napalunok bago ko tinungo ang pintuan ng aking silid.

Habang pababa ng hagdan ay unti-unti kong naririnig ang boses ni Daddy.Alam kong nasa dining room sila dahil doon nagmumula ang ingay kaya doon ako tumuloy.

Kapwa napalingon sa may pintuan ang dalawa pagkapasok ko sa loob.Napansin ko kaagad ang pagkunot ng noo ni Daddy habang pinapasadahan nya ako ng paningin.

Bahagya akong ngumiti at pasimpleng sinulyapan si Lance.He's wearing a white tuxedo suit.Kumikislap iyon sa kaputian.Pwede na nga syang mag-commercial ng tide,eh!excited lang?nakabihis na kasi kaagad.

"What with the outfit,Aryanna?"

See?hindi talaga mapakali ang Daddy ko eh,noh?

"Bakit po Dad?alangan naman na gown po ang isusuot ko?driver at bodyguard po ang papel ko sa gathering na iyon kaya okay lang itong suot ko."

Naghila ako ng upuan bago pasalampak na naupo.

"I mean,wala na bang ibang kulay?"

Huminga ako ng malalim bago naghain ng pagkain sa sariling pinggan.

"Daddy,komportable ako sa suot ko."final kong sagot na syang ikinatahimik na din nya.

*

*

*

"Daddy,hindi ka ba sasama sa amin?"

Tanong ko kay Daddy nang mapatapat kami sa aking sasakyan sa may garahe.

"No.I'm busy today."sagot naman nya bago binalingan si Lance.

Busy today?hmmm...its weird.Hindi ko maiwasang hindi mapataas ng kilay dahil sa narinig.

"Mag-ingat kayo."

Tinapik pa nya sa kanyang balikat si Lance bago pa nito mabuksan ang pintuan sa may backseat.

"Opo,Dad..mag-iingat kami."sagot ni Lance.

Napansin ko pa ang ilang segundo nilang pagtititigan bago tuluyang pumasok si Lance.Saka lang ako naupo sa driver's seat nang tuluyan ng maisara ang pintuan sa may backseat na kung saan doon nakaupo si Lance.

Huminga ako ng malalim bago binuhay ang makina ng aking sasakyan.Palihim ko munang nilingon si Lance bago ko pinasibad ng takbo ang sasakyan.Hindi nya ako napansin dahil nakatuon sya sa kanyang hawak na phone.

"Slow down,Aryanna...dahil baka hospital mamaya ang bagsak natin dahil sa bilis ng pagpapatakbo mo."

Napahigpit ang aking pagkakahawak sa manibela pero sinunod ko naman sya kaagad.

"Mas maigi na yung mabilis para makarating tayo kaagad.Hindi naman siguro obvious ang pagiging excited mo."mahina kong tugon.

Imbes na magsalita ay katahimikan ang bumalot sa pagitan namin.Naipilig ko nalang ang aking ulo at hinayaang ituon sa daan ang buong atensyon.

Weeks ago,lagi kong kasama si Lance sa aking paglabas.Nakapagtataka lang,kasi sa mga panahon na yun ay wala man lang nangyaring kakaiba.

Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mapaisip.Ano kaya ang pinaplano ng salarin kung bakit hindi man lang nagparamdam sa loob ng mga araw na pananatili ni Lance sa loob ng aming tahanan?


Lumipad ang aking utak kay Francine.Siguradong hindi iyon nakatulog ng maayos kagabi.Ganoon din kasi ako noon.Swerte nya..dahil mapasa-kanya na ang lalaking hinahangad ng lahat sa mismong araw na ito.

Hayyy...ano na kaya ang mangyayari sa buhay ko pagkatapos nito?


☆☆☆

Kung Sana Noon PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon