Dumeretso ako sa terrace pagkalabas ko ng kwarto ni Dad.Alam kong pagod ang aking katawan at kailangan ko ng humiga pero hindi ko ginawa.Useless din naman eh!Kasi hindi ako tatantanan ng mga samut-saring palaisipan na umiikot sa loob ng aking utak.
Naupo ako sa single chair na naroon at wala sa sariling napatingala sa maaliwalas na kalangitan.Napansin ko kaagad ang nagkikislapang mga bituin doon.
Mabuti pa ang mga bituin..walang humpay ang pangingislap.Samantalang yung idea sa loob ng aking bungo ay mas lalong nilulukob ng dilim.
Hayyys...huminga ako ng malalim.
Bakit magkasundong-magkasundo sina Lance at Dad?alam ko naman na close sila dati pa.Pero iba na kasi ang sitwasyon ngayon.Hiwalay na kami ni Lance.
Anong propaganda na naman kaya ang naiisip ng dalawang iyon?kung mayroon man,bakit hindi nila binabanggit sa akin?
Mas gusto kong isipin na mayroon nga silang pinaplano..pero kasi,nakakasakit na sila ng damdamin,ah!
Nasa malalim parin akong pag-iisip nang makaramdam ako ng presensya ng isang tao.Hindi na ako lumingon dahil sa amoy palang ay kilala ko na kung sino sya.
Marahan syang naupo sa katabing upuan na inuupuan ko at tahimik na napatingala din sa maaliwalas na kalangitan.
Palihim ko syang sinulyapan pero ni hindi man lang nya kinuha ang kanyang mga mata mula sa pag'e-star gazing.
Napakurap ako at muling ibinaling sa kalawakan ang atensyon.Naramdaman kong ibinaling nya sa akin ang kanyang tingin nang wala na sa kanya ang aking atensyon.
Nakiramdam ako pero ganoon lang ang ginawa nya at hindi man lang sya nagsalita.Wow!napaka-peaceful naman ng paligid maliban nalang sa nagwawala kong puso ngayon.Damn.
Ilang minuto din nya akong tinitigan bago nya tinanggal ang kanyang tingin.Sa pagkakataong ito ay ako na naman ang nakatitig sa kanya.Ilang beses din na nasa ganoon kaming estado.
Napakagat ako sa aking labi.Napaka-awkward din pala kapag ganito.Sa huling pagkakataon muli ko syang sinulyapan.
Huminga ako ng malalim bago ko inangat ang aking kabilang braso.Dumapo ang aking kamay sa kwelyo ng kanyang damit na nasa bandang leeg.Hinila ko sya papalapit sa akin bago ko marahang pinaglapat ang aming mga labi.
Napakurap ako at biglang napabitaw nang marealize ko ang aking ginawa.Shit!
Umayos ako sa pagkakaupo pero ni hindi pa nga ako nakasandal ng maayos ay bigla nalang nyang hinawakan ang aking baba at ihinarap sa kanya.
Nanlalaki pa ang aking mga mata dahil sa pagkagulat nang siilin nya ako ng mapusok na halik sa aking labi.
Now,Lance...tell me that you didn't love me.Sigaw ng aking utak.
*
*
*
Napatampal ako sa aking noo nang mapagtanto ko kung saan ako nakahiga sa kasalukuyan.Nilingon ko si Lance na mahimbing na natutulog sa aking tabi bago ako marahang bumangon.
Inisa-isa kong pinulot ang aking damit na nagkalat sa sahig tsaka mabilis na nagbihis.I'm sure mapapatay ako ni Daddy kapag nalaman nya ito.
Kapag umiral talaga ang katangahan ko sa buhay.Haist!Aryanna hindi ka talaga nag-iisip.
Napasandal pa ako sa likod ng pintuan ng aking silid bago napatingala sa kisame.Nakahinga ako ng maluwag nang tahimik akong makapasok sa loob ng aking kwarto.
Nang kumalma ako mula sa sobrang kaba ay saka ko tinungo ang aking higaan.Dumapa ako doon bago ibinaon sa unan ang aking mukha.
One week nalang..mapapasakamay na sya ng Francine na yun.Pilit kong ipinikit ang aking mga mata at pilit na iwinaglit sa aking isipan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Kaya ko bang makita si Lance na magpakasal sa ibang babae?
Ilang minuto ang lumipas ay namalayan ko nalang na basang-basa na ng aking luha ang unan ko.
Iniisip ko palang na ganoon ang mangyayari ay para na akong sinasakal dito.Pero ano ba kasi ang gagawin ko?na gumawa ng eksena sa mismong araw ng kanilang kasal?pero binalaan na kasi ako ni Lance eh,kapag gagawin ko iyon.Haist!bahala na nga!
*
*
*
Malulutong na halakhakan nina Dad at Lance ang maririnig nang pababa na ako sa hagdan.Late na akong nagising dahil hindi ko kasi alam kung anong oras na akong nakatulog kagabi.
Hindi ko sila pinansin nang mapadaan ako sa may sala pero--
"Lumamig na ang almusal mo,Aryanna.Initin mo nalang ulit kung kakain kana."si Dad iyon.
Pasimple akong lumingon at ngumiti pero ni hindi ko tinapunan ng tingin si Lance na alam kong mariin syang nakatitig sa akin at the moment.
Alam ko namang panalo sya kagabi,eh!kaya hiyang-hiya naman ako sa aking sarili ngayong nakaharap ko sya.Damn it.
"Okay lang Dad!walang kaso sa akin iyon.."maikli kong tugon.
Tumango lang si Daddy bilang pagsang-ayon kaya muli akong tumalikod para ipagpatuloy ang paghakbang papuntang dining room.
Habang kumakain ay pinag-iisipan ko kung ano ang gagawin ko ngayong araw.Ilang araw na akong nakakulong sa bahay,gusto ko namang mag-unwind kahit ilang oras lang.
Naalala ko si Darwin..hmm,hindi kaya sya busy ngayong araw?matanong nga mamaya.
Excited kong tinapos ang aking breakfast bago ko mabilis na niligpit ang mga nakahain sa mesa.
Sa wakas,makapag-bonding na kami ng mga kaibigan ko kasi wala akong trabaho.
Patakbo pa akong sumugod sa sala dahil sa pagmamadali dahilan para kapwa mapaangat ng mukha ang dalawa mula sa kaharap na nilalarong chess.
"Dad,aalis ako...may pupuntahan lang po."
Kaagad na tumaas ang kilay ni Daddy samantalang nakakunot naman ang noo ni Lance.Para namang first time kong ginagawa 'to ah!sanay na si Daddy sa akin.Alam nyang hindi ako mapakali kapag nakakulong lang sa bahay.Kamatayan yun para sa akin.
"Sinong kasama mo?"tanong kaagad ni Daddy.
"Si Darwin po,kung hindi busy."
Kinabahan ako nang biglang tumayo si Lance mula sa sofa bago nagsalita na ikina-hysterical ko.
"No.I'll go with you."maikli pero determinado nyang sabi.
Hindi ko napigilan na hindi magpapadyak.I hate this!makakapag-enjoy ba ako kapag sya ang kasama ko?
"Ayoko!Daddy,si Darwin nalang...kasi alam mo na ang mangyayari kapag si Lance ang kasama ko,lagi akong napapahamak,Dad!"si Daddy ang binalingan ko.
Napabuga ng hangin si Daddy habang nag-iisip ng malalim.Kinakabahan tuloy ako kapag ganyan si Dad.
"Dad,ako nalang ang sasama kay Aryanna...i will promise you to protect her."
Ngayon nakahalukipkip na sya habang nagpalipat-lipat ng tingin mula sa akin at kay Daddy.
"Fine.Si Lance nalang ang sasama sa'yo Aryanna.Abala si Darwin ngayong araw at yung ibang group agent."
Napabuga nalang ako ng hangin matapos marinig ang sagot ni Dad.
"Pero Dad--"
"Trust him."putol nya sa aking sasabihin.Para namang may choice pa ako.
Napakuyom ako sa aking kamao bago ko binalingan si Lance.This time,lumitaw na ang kanyang ngiti at naging maaliwalas ang kanyang mukha.Hayyys..panalo na naman sya.
☆☆☆
BINABASA MO ANG
Kung Sana Noon Pa
ActionWe got married. We separated. Iniisip ko,bakit napaka-unfair ng buhay? Sya,naka-move on na.. Ako,heto...nagtitiis parin at nangangarap na sana balikan nya. Hanggang kailan ako maghihintay?kung ang taong inaantay na balikan ako ay nakulong na pala sa...