Nakahinga ako ng maluwag nang malaya kong mabuksan ang gate ng mansyon.Patakbo pa ako nang tunguhin ko ang maindoor pagkababa ko mula sa aking motorsiklo.
Pahingal akong pumasok sa loob at dere-deretso sa loob ng sala.Pero naantala ang aking paghakbang nang matanaw ko si Lance kahit nasa malayo pa ako.Nakadukwang sya sa may mahabang sofa at hindi ko matantya kung bakit ganoon ang kanyang posisyon.
Sumikdo ang aking dibdib habang nakatitig sa kanya.Gusto ko sanang takbuhin ang pagitan namin pero parang napako sa tiled na sahig ang magkabila kong paa.
"L-Lance..."
Akala ko nasambit ko iyon ng pabulong pero ganoon na lamang ang aking pagkataranta nang biglang umangat ng kanyang mukha si Lance at bahagyang lumingon sa aking kinatatayuan.Ganoon katalas ang kanyang pandinig dahil narinig nya ang pagsambit ko sa kanyang pangalan.
Kitang-kita ko ang pagkunot ng kanyang noo kasabay ng pag-awang ng kanyang bibig.Ihakbang ko na sana ang aking mga paa pero naunahan na nya akong nalapitan.
Saglit kaming nagkatitigan bago lumapat ang kanyang kamay sa aking braso.Nagpatianod nalang ako nang akayin nya ako papasok sa loob ng dining room.
"Lance—"
"Natutulog ang anak natin,Aryanna..kaya hwag tayong gumawa ng ingay doon sa sala."putol nya sa aking sasabihin.
Napalunok ako ng mariin nang matitigan ko sya ng maigi sa kanyang mukha.
"Why are you here?"
Marahas syang napa-facepalm pagkatapos nyang sabihin iyon.Tumagilid sya ng posisyon para maiwasan nya ang mariin kong pagtitig sa kanya.
"I'm sorry..."
Kataga na lumabas mula sa aking bibig na syang ikinalingon nya.Napakurap ako ng mariin nang maramdaman ko ang biglang pag-ulap ng aking paningin.Alam kong may namumuong luha sa bawat sulok ng aking mga mata.
Alam kong may mali,alam kong malaki ang pinagbago ni Lance...yun ang napapansin ko habang tinititigan ko sya.Ano ba ang nangyari three years ago?
"I'm sorry if i didn't trusted you enough to—"
"You—knew already?"putol nya sa aking sasabihin.
Tuluyan na syang napaharap sa akin bago nya ako binigyan ng mapanuring tingin.
"Bakit mo inilihim sa akin ang lahat ng plano mo?hindi mo ba alam na para mo na din akong pinatay ng paulit-ulit dahil sa ginawa mo?ano ba talaga ang totoong nangyari?paano mo natuklasan ang lahat ng iyon?"
Huminga sya ng malalim bago nagsimulang magkwento.
"Nang umalis ka ng bansa bigla nalang akong nakatanggap ng tawag mula sa Daddy mo.Inantay ka lang pala nyang makaalis bago nya ako kinausap.Hindi na ako nagtaka kung bakit kailangan nya akong kausapin..alam ko naman na malaki ang atraso ko sa kanya dahil pagkatapos kong piliting kunin sa kanyang pangangalaga ang kanyang unica hijah ay bigla ko nalang syang binigo dahil hindi ko natupad ang aking pangako sa kanya.Hinayaan kitang umalis..at nasaktan kita ng lubusan."
Lumapat ang kanyang daliri sa aking pisngi para punasan ang isang butil ng luha na lumandas doon.
"Pero nagkamali ako.Kagimbal-gimbal na balita ang kanyang dala nang magkaharap kami.Pinakita nya sa akin ang isang panyo na palihim daw nyang kinuha mula sa gamit mo pagkatapos mong magkwento sa kanya kung saan at kung kailan mo napulot ang panyo na iyon."
BINABASA MO ANG
Kung Sana Noon Pa
AcciónWe got married. We separated. Iniisip ko,bakit napaka-unfair ng buhay? Sya,naka-move on na.. Ako,heto...nagtitiis parin at nangangarap na sana balikan nya. Hanggang kailan ako maghihintay?kung ang taong inaantay na balikan ako ay nakulong na pala sa...