Maggumabi na nang makauwi kami ng bahay.Dumaan pa kasi kami sa residence ng pamilya ni Francine para maihatid sya doon.
Magkasunod lang ang kotse namin ni Lance nang pumasok sa loob ng garahe.
Huminga ako ng malalim nang tuluyan ko ng mapatay ang makina ng aking sasakyan.Napatanaw ako sa labas nang makita kong umibis mula sa sariling sasakyan nya si Lance.
Saglit syang tumayo sa harapan bago nya tinapunan ng paningin ang kinapaparadahan ng aking kotse.
Pigil ang aking hininga habang palihim ko syang tinitingnan.Saka lang ako napanatag nang makita ko na ang kanyang pagtalikod at dere-deretsong paghakbang papasok sa maindoor ng mansyon.
Napasandal ako sa headrest ng driver's seat bago napahilot sa aking sentido.Mariin akong napapikit nang bumalik sa aking balintataw ang tattoo na nakamarka sa kanang balikat ni Francine kanina.
Ngayon ko lang muling naalala ang panyo na natagpuan ko sa sahig ng kwarto ng anak ko pagkatapos mangyari ang insedenteng iyon.
It's a pink handkerchief na may drawing sa katulad ng nakita kong tattoo na pag-aari ni Francine.
Napailing nalang ako nang sumiksik sa aking utak ang mga negatibong palaisipan.
Imposible namang pag-aari ni Francine ang panyo.Kung hindi sa kanya,kanino?
Pero paano napunta doon ang panyo samantalang wala naman akong maituturo na nagmamay-ari noon dahil wala naman kaming kasama sa bahay?
Marahas kong minulat ang aking mga mata.Naiwala ko ang panyo..paano ko iyon mahanapan ng kasagutan kung hindi ko hawak ang bagay na iyon?
Nagpakawala muna ako ng mahabang buntong hininga bago ko naisipang umibis mula sa sasakyan.
Maliwanag na ang buong bakuran nang suyurin ko ito ng tingin.Sa wakas at nalagyan na nga ng mga ilaw ang bawat sulok ng bakuran.
Imbes na dumeretso sa aking kwarto ay naisipan kong lumiko nalang para tunguhin ang kusina.Nagrereklamo na kasi ang aking sikmura dahil hindi man lang ako nagkaroon ng maayos na kain ngayong araw.
Sino ba naman ang makakakain ng maayos kung nasa harapan mo ang dalawang tao na nagbibigay ng sakit sa iyong kalooban?
'Mama,i want spaghetti!'
Sa unang hakbang ng aking paa sa may pintuan ng kusina ay boses kaagad ni Lawrence ang bumungad sa aking alaala.
Anak...
Tinungo ko kaagad ang hanging cabinet at mabilis na binuksan iyon.Nagpasalamat ako dahil ganoon parin ang ayos ng mga gamit roon.Kumuha ako ng isang plastic ng pasta bago iyon nilapag sa may counter table.
Nagpakulo ako ng tubig para sa spaghetti bago naghiwa ng mga rekado na kakailanganin ko.
'Bakit ba paboritong-paborito mo ang spaghetti,sweetheart?'
Parang nakikita ko pa kung gaano sya ka-cute habang nakabungisngis.
'Eh kasi sabi ni Papa..pampahaba daw ng buhay ang Spaghetti,Mama!'
Hindi ko na napigilan ang paglandas ng maraming luha mula sa aking mga mata at bigla nalang iyon nauwi sa malakas na hagulgol.
"Pero anak,bakit ang aga mo parin iniwan si Mama?sinungaling ang Papa mo..."
Mahina akong napahikbi.My son is so dear to me.Halos mabaliw ako sa mga panahon na iyon lalo na at nadagdagan pa dahil sa biglaang paghihiwalay namin ni Lance.
'Mama,mahal mo ba ako?'
'Mahal na mahal,sweetheart!bakit mo naitanong?'
'Eh kasi Mama..love na love din po kita!kayo ni Papa!'
BINABASA MO ANG
Kung Sana Noon Pa
ActionWe got married. We separated. Iniisip ko,bakit napaka-unfair ng buhay? Sya,naka-move on na.. Ako,heto...nagtitiis parin at nangangarap na sana balikan nya. Hanggang kailan ako maghihintay?kung ang taong inaantay na balikan ako ay nakulong na pala sa...