Nadatnan kami ni Daddy na nasa ganoon paring ayos.Kaya mabilis kong inilayo ang aking sarili bago pa sya makalapit sa aming kinatatayuan.
"Oh,anong nangyari sa inyong dalawa?"
Nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa si Daddy dahil halata naman talaga ang awkwardness sa pagitan namin ngayon.
Natigilan pa ito nang mapansin nya ang malaking jacket na nakapatong sa aking balikat.
"Nilalamig sya Daddy..kaya pinasuot ko nalang muna itong jacket ko."
Na-impress naman ako kay Lance sa bilis nyang makagawa ng dahilan.Sinungaling!nilalamig? Ayaw lang nyang aminin na ipinagdadamot nya sa iba itong dibdib ko!gusto kong mapairap sa kawalan dahil sa naisip.
"It's good!so paano,aalis na tayo?"
Mukhang kumbinsido naman si Daddy sa naging rason ni Lance sa kanya.Ang lapad pa kasi ng pagkakangiti nito habang nakatingin sa aming dalawa.
"Kung maayos na po ang lahat.."si Lance ang sumabad.
Tumango lang si Daddy bago nya ako nilapitan.Napanguso ako nang magkasabay silang humawak sa akin.
Si Daddy,nakahawak sa aking likuran.
Si Lance,nakahawak sa aking siko.
Hindi tuloy ako nakakilos dahil sa kanilang presensya.Marahan kong nilingon si Daddy at halata kong nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa malaking kamay ni Lance na nakakapit sa aking siko.
Pasimple kong hinila ang aking braso bago ko palihim na tinapunan ng tingin si Lance.Sinenyas ko sa kanya na pakawalan ang aking siko dahil nakatitig doon si Daddy.Nakahinga naman ako ng maluwag nang maramdaman ko ang pagkalas ng kanyang kamay.
Tumikhim si Daddy bago nagsalita.
"Ako na ang mag-alalay sa anak ko papunta sa parking lot,Lance.Iisang sasakyan lang ang gagamitin natin.Yung sasakyan mo Aryanna,mga tauhan ko na ang bahala doon."
"Okay po Daddy/Okay Dad!"
Nagkasabay pa kami ni Lance nang sumagot.Nilingon ko ulit si Lance.Napanguso ako nang mapansin kong nakangiti sya.Kainis!mas lalo kasing gumuapo!!
Hindi ko maiwasan na hindi mainis nang mapansin ko ang pagtigil ng mga kababaehan sa may hallway at nakatutok sa aming likuran.Alam ko naman kung sino ang tinitingnan nila.Kaagaw pansin naman talaga ang tindig at hitsura ni Lance.Kahit sino mapapalingon talaga kapag sya na ang napapadaan.
Kahit anong pilit ko sa aking sarili na magconcentrate nalang sa paglalakad at hayaang nakabuntot sa aming likuran si Lance pero parang hinihila parin ang aking ulo para lingunin sya.
Hindi nga ako nakatiis at bahagya ko syang nilingon.Saglit na nagtama ang aming paningin at hindi ko maiwasang hindi salakayin ng kilig nang bigla nya akong kindatan.Damn you Lance!
"Keep on walking,Aryanna...hindi naman yan mawawala.Stop staring at him!"
Muntik na akong madulas nang biglang magsalita si Daddy.Gosh!namula yata ang mukha ko!
Napakagat ako sa aking labi bago ko tiningala ang mukha ni Daddy na maagap na nakaagapay sa akin.Napasimangot ako nang mabungaran kong nakangisi sya.
"Dad!"
Isiniksik ko sa gilid ng kanyang braso ang aking mukha habang patuloy sa paglalakad.Matandang ito,lolokohin pa ako!
*
*
*
Welcome home!!!
Huminga ako ng malalim bago ko tuluyang binuksan ang aking kwarto.Grabe!ilang araw lang akong nawala pakiramdam ko taon na ang dumaan.
Tinungo ko kaagad ang aking tokador nang maisara ko ang pintuan.Napatitig ako sa may salamin.Hindi sariling repleksyon ang pinagtuunan ko ng pansin kundi ang larawan na nakadikit doon.Larawan naming tatlo.Ako,Si Lance at Lawrence.Our family picture.
"How are you,sweetheart!namiss kita..."
Sinalat ko ang mukha ni Lawrence sa loob ng larawan.
"I saw you last night..mmm,in my dreams!ang ganda ng ngiti mo at ang guapo-guapo mo!alam kong masaya ka saan ka man ngayon naroroon.Ang saya mo kasi sa panaginip ko,anak...mga anghel ang kasama mo.Masaya ka diba?kahit si Mama,hindi."
Napakurap ako nang biglang nanlabo ang loob ng aking mga mata.
"Nandito pala ang Papa mo.Mananatili sya dito ng ilang araw.Alam kong miss ka din nya,patawarin mo sya,sweetheart kasi...magpapakasal na sya sa iba at-"
Napalayo ako mula sa tokador.At teka---bakit iyon ang tinitsismis ko sa anak ko?hayys!!!
Pinagtampal-tampal ko ang aking noo dahil sa kadaldalan ko.
Marahan kong hinubad ang jacket ni Lance at tinitigan iyon ng mariin.Nang magsawa ay marahan ko na iyon ipinatong sa ibabaw ng kama.Kahit amoy nya nakakabusog.Hayyys,Aryanna!!forget about him!!!!may iba na sya!may Francine na sya!
Oh!we're talking about Francine.Nakalimutan kong itanong kay Daddy ang tungkol sa babaeng iyon,ah!
Mananatili dito si Lance.Hwag nyang sabihin na welcome dito ang hinayupak na yun!
Padarag kong binuksan ang cabinet para makahanap nang damit na pampalit ko sa kulay pink na suot ko ngayon.
Hindi pwede..hindi sya pwedeng pumunta dito!!teritoryo ko ito kaya ako ang masusunod!
Matapos maligo at makapagbihis ay muli akong lumabas ng sariling kwarto.Nagmamadali akong bumaba ng hagdan habang hawak sa kamay ang sigarilyo at lighter.
Napatigil sa pag-uusap sina Daddy at Lance nang matanaw nila ako.Mabilis kong ikinubli sa aking likuran ang hawak kong sigarilyo nang mapansin kong nakatuon sa aking kamay ang atensyon ni Lance.
Nagpatuloy ako sa paghakbang at binalewala silang dalawa.Malay ko ba sa pinag-uusapan nila.Magsama silang dalawa..tutal pareho naman sila,parehong strikto at bossy!
"Where are you going?"
Dumagundong ang boses ni Daddy kaya napatigil ako sa paghakbang.
"Sa labas Daddy!magpapahangin lang ako sa may swing."nilingon ko sya at nginitian.
Tumango lang sya bilang sagot.Inirapan ko si Lance nang magtama ang aming mga mata.Hanggang tingin ka lang ngayon,hmp!
Dumeretso ako sa likod ng bahay na kung saan doon nakasabit ang malapad at malaking swing.
Kaagad akong sumampa sa loob ng swing at marahang naupo doon.In-stretch ko ang aking paa habang nakasandal ang likod sa kabilang dulo ng swing.Hmm...mas komportable ako sa ganitong posisyon.
Inilabas ko ang aking phone mula sa aking bulsa na galing kay Daddy kanina.Binigay daw sa kanya ni Lance.Ipinatong ko iyon sa aking lap bago binuksan ang lalagyan ng sigarilyo.Naglabas ako ng isang stick bago iyon sinindihan.
Napapikit pa ako nang simulan kong hithitin ang sigarilyo.Napangiti ako matapos kong ibuga ng isahan ang usok mula sa aking bibig.
Whoa!this is life...
☆☆☆
BINABASA MO ANG
Kung Sana Noon Pa
ActionWe got married. We separated. Iniisip ko,bakit napaka-unfair ng buhay? Sya,naka-move on na.. Ako,heto...nagtitiis parin at nangangarap na sana balikan nya. Hanggang kailan ako maghihintay?kung ang taong inaantay na balikan ako ay nakulong na pala sa...