Lance's POV
🎵here we stand today like we always dreamed,starting out our life together🎵
Bahagya akong napakurap nang sa wakas ay matanaw ko si Aryanna habang marahang naglalakad sa ibabaw ng pulang carpet na nagsisilbing sapin ng buhangin na syang perpektong inayos ng sikat na wedding planner na syang ni-hired ko para sa muling pagpapakasal namin ni Aryanna.Napagplanuhan kasi namin na beach wedding nalang para maiba naman.
She's always beautiful and always be in her dazzling wedding gown.Wala paring pinagbago..nakakapanlambot ng tuhod parin ang lakas ng kanyang charisma pagdating sa akin.
🎵the light is in your eyes love is in our heart,i can't believe you're mine forever🎵
Paano nga ba nagsimula ang lahat?kailan nga ba unang tumibok ang aking puso?or should i say...kailan nga ba nahulog sa kanya ng husto ang aking kalooban?
🎵been rehearsing for this moment all my life,so don't act surprised if the feeling starts to carry me away🎵
Tandang-tanda ko pa..on valentines day.Kung ang tadhana ang magpasya sa kung ano ang mangyayari sa buhay mo,talagang wala kang magagawa kundi ang magugulat nalang at mapapaisip.
Tulad ng araw na iyon kung kailan nagmamadali ako para sa date namin ni Francine doon naman nagkataong nasira ang aking kotse at ang masaklap pa doon naiwanan ko sa bahay ang aking phone.
Wala akong nagawa kundi ang bumaba at hinayaan na lamang tumama sa akin ang sikat ng mainit na araw kahit na nga ba hapon na sa mga oras na yun.
Ang magandang get-up ko na pinaghandaan ko para sa date namin ni Francine ay ngayon nagmumukha ng basahan.Kung kanina preskong-presko ako sa ilalim ng aking shower bago pa ako umalis ng bahay..ngayon naman basang-basa na ako ng sariling pawis!
What a mess!!!
Mag-iisang oras na ako sa kakakulikot ng makina ng aking kotse pero wala paring progress.Naaasar na ako!
Hanggang sa makarinig ako ng ugong ng motorsiklo na bahagyang huminto ilang metro ang layo mula sa kinapaparadahan ng aking kotse.
Nagpatuloy ako sa ginagawa at ni hindi ko man lang iyon binigyan ng pansin,concentrate parin ako kahit na nga ba naririnig ko na ang mga yabag ng sapatos na papalapit sa aking kinaroroonan.
Napahinto lang ako sa ginagawa nang bigla akong mapaubo gawa ng amoy ng sigarilyo na bigla nalang sumangyo sa aking pang-amoy.
What the hell!
Marahan akong nag-angat ng mukha.Mula sa baba napansin ko ang pares ng kulay asul na boots na syang suot ng taong nagmamasid sa akin ngayon.
Napakunot ang aking noo nang mapansin ko ang suot nyang kupasing maong na may butas pa sa magkabilang tuhod,tinernuhan nya iyon ng navy blue na long sleeve na bahagyang nakatupi ang manggas hanggang siko at ang laylayan nito ay mahigpit na nakabuhol sa bandang tyan dahilan para bumakat kung gaano kabalingkinitan ang bewang nito.Sa loob noon ay nakasuot lang sya ng puting sando kaya naman bigla nalang akong napalunok dahil sa kasexy-han nyang taglay.
Napatuon ako sa kanyang mukha.Napaka-pinkish ng kanyang pisngi kahit na nga ba wala man lang bahid ng makeup iyon.Napaka-natural ng kanyang ganda,sumisilaw iyon sa aking paningin kaya naman parang hindi na ako marunong kumurap.
Napatitig ako sa kanyang labi.Sinundan ko ng paningin ang paghithit nya ng sigarilyo at kung paano nya ibinuga ang usok mula sa mapang-akit nyang labi.Hindi ko maiwasan na hindi mapaawang ang sariling bibig.Ganito ba ang mahipnotismo?
BINABASA MO ANG
Kung Sana Noon Pa
ActionWe got married. We separated. Iniisip ko,bakit napaka-unfair ng buhay? Sya,naka-move on na.. Ako,heto...nagtitiis parin at nangangarap na sana balikan nya. Hanggang kailan ako maghihintay?kung ang taong inaantay na balikan ako ay nakulong na pala sa...