Ikalabing-tatlong Kabanata

8.7K 225 16
                                    

Malapad na ngiti ni Daddy ang aking nasilayan pagkapasok ko pa lamang sa loob ng dining room.Hmm...halatang ang saya naman ng Daddy ko samantalang ako,heto...kanina pa nabubugnot sa aking sarili.

Napanguso ako kasabay ng pagkunot ng aking noo nang tapunan ko ng paningin ang ibabaw ng dining table.Aba!nagkaroon ba ng fiesta at ganito kadami ang putahe na niluto ni Daddy?pangtatlong araw na itong kainin,ah!

Napakagat ako sa aking labi bago nagsalita.

"Dad,mamumulubi tayo kapag magtatagal dito itong bisita natin.Next time ako na nga ang magluluto para ma-"

"Aryanna."

Napahinto ako sa pagsasalita nang bigyan ako ni Daddy ng warning look.Alam kong hindi nya nagustuhan yung sinabi ko.

"Sorry po,Daddy!"

Maagap ko namang sabi sabay kibit balikat bago naghila ng upuan at pabagsak na naupo doon.Gusto ko lang naman syang paalalahanan ah!aba,hindi naman kami kasing yaman ni Lance!

Kaagad akong napatingala nang maramdaman ko ang presensya ni Lance.Gusto kong magpanic nang makita kong hinila nya ang upuan na katabi ng inuupuan ko.

Ang kapal talaga ng isang ito eh,noh?sa dinami-dami ng upuan na nakahilera..dito pa talaga sa tabi ko ang napili nyang pwesto?

Napausog ako ng konti nang biglang magdaiti ang hita namin.Damn.

"Andami naman nito,Daddy.."komento nya kaagad nang tuluyang makaupo.

Oh?akala ko hindi nya mapansin ang madaming pagkain na nakahilera sa ibabaw ng mesa.Kabisado ko naman kasi na hindi malakas kumain si Lance.Ewan ko ba kasi kay Daddy at hindi  man lang nagtanong muna.Nagpapakapagod lang sya sa wala.

"Pang-welcome na rin sa'yo hijoh."

Napanguso ako nang marinig ang magiliw sa pananalita ni Daddy.

"Tatlong taon na ang lumipas.Ngayon lang ulit nabuo ang pamilya natin."

Sinalakay ako ng matinding kaba sa aking dibdib habang napatitig kay Daddy.Binalot ako ng pag-aalala sa isiping baka inaatake na ng pagka-ulyanin si Dad.Hindi pa ako handa magtake-over sa agency na pagmamay-ari nya.Ayokong balikatin ang responsibilidad na maiiwan nya kung sakali.Hindi ko pa kaya!

"Dad,he's not belong to our family anymore.Hiwalay na po kami ni Lance baka nakalimutan nyo."paalala ko sa kanya.Gusto kong ituwid ang kanyang utak,mahirap na!

Napatikhim syang bigla bago napapailing.Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapanguso.Hindi ko maintindihan kung bakit lagi nalang nababalewala ang mga sinasabi ko.

Sinundan ko nalang ng tingin ang bawat galaw ng kanyang kamay.Napatitig ako sa aking pinggan nang una nya akong hainan ng pagkain.My Dad is the sweetest ever.My sweetheart!

Pero napakurap ako nang mapansin kong dalawang kamay ang nagsabay na maglagay ng pagkain sa loob ng pinggan ko.

Oh yes!ako na ang pinaka-maswerte.

Kapwa natigilan sina Dad at Lance.Hindi nila siguro sinadya na pareho pala ang laman ng kanilang isip.Yun ay ang paghainan ako.

Napabuga muna ako ng hangin bago nagsalita.Gusto ko lang namang pagaanin ang atmosphere na nagsisimula ng dumidilim sa pagitan naming tatlo.

"Balikat ko lang naman ang may sugat.Sa ikinikilos nyo parang pinaparamdam nyo na sa akin na isa akong inutil."palatak ko sa kanilang dalawa.

Napahalakhak ng tawa si Daddy kaya naman biglang nawala ang namumuong kaba sa aking dibdib.

"You're always my baby,Darling.."malambing nyang sabi bago hinayaang si Lance ang maglalagay ng pagkain ko.

"Ako na."baling ko kay Lance.

Kung Sana Noon PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon