Ikalabing-pitong Kabanata

8.1K 242 12
                                    

Napabuga ako ng hangin habang nakatitig sa lalaki na kasalukuyang naliligo na sa kanyang sariling dugo.

Wala naman akong balak na pumatay.Pero kung hindi ko ginawa ito baka ako ang nakandahusay sa sahig ngayon at hindi sya.

Dapat lang talaga na burahin sa mundo ang masamang taong katulad nya.Huminga ako ng malalim bago ko inayos sa aking baywang ang hawak kong silencer.

Tumalikod na ako at malalaking hakbang ang ginawa ko para tunguhin ang pintuan sa tapat ng hagdan.

Pabagsak akong naupo sa baitang ng hagdan bago napa-facepalm.Pinakalma ko muna ang aking sarili bago ko inilabas ang aking cell phone mula sa bulsa ng suot kong pants.

Mabilis kong di'nial ang numero ng group agent at pinagbigay alam sa kanila ang nangyari.Sila na ang bahalang maglinis sa kalat na sinimulan ko.

Sinabi ko din na dapat malinis ang gagawin nilang scenario para hindi maka-istorbo sa mga taong dadalo sa kasal ni Lance.Baka kasi bigla nalang silang magpanic.

Nang marinig ko ang sagot na 'COPY' mula sa kabilang linya ay saka ko pinatay ang tawag.Muli kong ibinalik sa loob ng aking bulsa ang hawak kong cell phone.

Huminga ako ng malalim bago ko pinasadahan ng paningin ang bawat baitang ng hagdan pababa.Para akong nalula sa natanaw kaya saglit kong ipinikit ang aking mga mata habang nakasandal ng bahagya ang side ng aking ulo sa malapit na pader na inuupuan ko.

Hindi ko na namalayan kung ilang minuto na ang dumaan.Siguro nakaidlip ako dahil sadya naman na wala akong maayos na tulog kagabi.

Bumalik lang sa kasalukuyan ang aking diwa nang marinig ko ang pumailanlang na malamyos na tugtugin.

Sinalakay ako ng matinding kaba kalakip na doon ang hindi ko maipaliwanag na sakit.Sigurado akong nagsisimula na ang ceremony ng kasal nina Lance at Francine.

Muli kong sinilip ang oras sa pambisig kong relo.Nasaan na kaya sila?ah,naghahanap siguro ng magandang tyempo kung kailan wala ng tao sa labas para hindi magkagulo ang mga tao mamaya.

Muli akong nagpalipas ng maraming minuto bago ko nakita ang group agent na nagsiakyatan sa hagdan.

Tumayo na ako at sinenyas ang rooftop.Tanging pagtango lang ang kanilang sagot.

Sinimulan ko ng ihakbang ang aking paa pababa ng hagdan.Tumatagos sa aking puso ang naririnig kong tugtugin na nagmumula sa loob ng simbahan.

Huminga ako ng malalim bago ko tinungo ang entrance.Pagkatapat ko sa bungad ng pintuan ay kaagad na sumalubong sa aking paningin ang pagrampa ni Francine sa kalagitnaan ng pasilyo.

Kahit nakatalikod ay para kong nakikita ang kanyang kagandahan in her dazzling wedding gown.Nakakasilaw ang nagkikislapang flash ng camera.Lahat ng iyon ay nakatutok sa kanya.

Naikuyom ko ng mahigpit ang nanlalamig kong mga kamay.Nagtatalo ang aking isip kung kailangan ko bang gumawa ng eksena sa kasalang ito?

Ramdam ko ang panginginig ng aking labi.Parang gustong kumawala doon ang salitang 'itigil ang kasal' pero parang napahiya ako sa aking sarili.

Kanina lang,pinaalalahanan ko yung lalaki na hayaan na silang maging masaya.Pero ano itong lumalaro sa loob ng aking utak ngayon?Ayokong maging selfish!

Napayuko ako at bahagyang ikinurap ang aking mga mata.Iniiwasan kong tumulo ang aking luha mula doon.Sa muling pag-angat ng aking mukha ay dumeretso sa harapan ang aking paningin.

Ako lang ba?o,talagang sa akin nakatingin si Lance?Sumilay ang mapait na ngiti mula sa aking labi.Taimtim akong nagpaalam sa kanya bago ako paatras na humakbang palayo sa bungad ng pintuan.


🎵leaving someone when you love someone is the hardest thing to do🎵

🎵when you love someone as much as i love you🎵

🎵oh,i don't wanna leave you baby you tears me up inside🎵

🎵i'll never be the one you needing i love you,goodbye...🎵

🎵baby its never gonna work out,i love you,goodbye...🎵

Patakbo kong tinungo ang kinapaparadahan ng aking kotse bago ko iyon pinaharurot ng takbo.

Masyadong matulin ang aking pagpapatakbo na para bang nasa car racing ako.Wala akong pakialam sa paligid.Basta ang alam ko ay maunahan ko ang lahat ng sasakyan na nasa bandang unahan ko.

Parang kidlat lang ako sa bilis dahil ilang minuto lang ang lumipas ay namalayan kong nasa bahay na ako.

Mabilis akong bumaba habang bitbit ang bag na naglalaman ng aking laptop.Patakbo kong tinungo ang library room ni Daddy.Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtanto kong wala sa loob si Daddy.Marahil kanina pa sya nakaalis ng bahay.

Ipinatong ko sa ibabaw ng kanyang study table ang bitbit kong bag.Bago ko pinagtatanggal ang mga apparatus na nakakabit sa aking katawan.

Maayos kong ipinatong sa ibabaw ng mesa ang lahat ng iyon.Kasama ng silencer,relo at cell phone na ginagamit ko.

Nang matanggal ko na lahat ang mga bagay na nag-uugnay sa akin sa pagiging agent ay saka ako kumuha ng papel at ballpen.

Huminga ako ng malalim bago nag-isip ng note para kay Daddy.

{Daddy,

Mission done!panahon na siguro para harapin ko naman ang aking sarili.Mag-iingat ka lagi at hwag mong pababayaan ang iyong sarili.I know,you are a strong man.Mana ako sa'yo,eh!Pero Daddy...kailangan ko ng bitawan ang trabahong ito.Ang pagiging agent ko.Alam kong labag ito sa kalooban nyo.

I love you Daddy and i'm sorry..

Love,
Aryanna}

Napalunok ako ng mariin.At bago ko pa nabitiwan ang hawak kong ballpen ay naramdaman ko na lamang ang pagpatak ng isang butil na luha mula sa aking mga mata.

Napapikit ako bago huminga ng malalim.Marahan kong pinunasan ang bakat ng luha mula sa aking mga mata bago ko tinungo ang pintuan.

Patakbo akong lumabas ng bahay at mabilis na sumakay sa aking kotse.Kailangan ko ng makaalis bago pa ako madatnan ni Daddy dito.

Mabilis kong pinaharurot ng takbo ang aking sasakyan.Alam kong walang direksyon ang aking buhay.Hindi ko alam kung saan ako tutungo.Bahala na ang tadhana kung saan nya ako dadalhin.Hindi ko ihihinto ang pagpapatakbo nito hanggat hindi bumigay itong kotse ko.

Napatanaw ako sa labas ng bintana nang madaanan ko ang naglumpukang mga tao sa may gilid ng kalsada.

Palagay ko malaking aksidente ang naganap dahil sa natanaw kong service ng mga pulis at ambulance.

Kung nasa katinuan siguro ako ngayon ay baka naki-usyoso narin ako pero hindi iyon ang importante sa akin sa mga oras na ito.

Ang gusto kong mangyari ay makalayo ako sa lahat.Sa lahat ng sakit...sa lahat ng bagay na nagpapaalala sa akin tungkol sa nakaraan ko.

Ito na ang panahon...ang tamang panahon na bibitaw ako.Dahil alam ko,magiging masaya na sya sa piling ng bago nyang asawa.

☆☆☆

Kung Sana Noon PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon