Ngayon ko lang napagtanto na ganoon na pala kalaki ang gap sa buhay namin ni Lance.
Hindi ko maiwasan ang hindi manlumo habang pinapasadahan ng paningin ang kanyang kabuuan habang naglalakad sa malawak ng pasilyo nitong mall.
Kung noon,magkahawak-kamay kaming dalawa o di kaya'y magkaakbay habang naglalakad..ngayon naman,heto ako..parang aso nalang na panay ang buntot sa kanyang likuran.
Naiimagine nyo ba kung gaano kahirap para sa akin na tahakin ang ganitong klaseng buhay?sa ayaw ko man at sa hindi kailangan ko itong tanggapin dahil ito ang nakatadhana para sa akin.
From being a wife and a mother of his child..and now,I'm becoming his bodyguard,a bed warmer and a driver!
No wonder,the faith is so cruel for me!
Napapailing nalang ako dahil sa naisip.
"Hi,Miss beautiful!!"
Napahinto ako sa paglakad at mabilis na in-scan ang sarili.
Was it me?sabagay..kakaiba naman talaga ang get-up ko kumpara sa mga babaeng nakakasalamuha nila dito sa loob ng mall.Compare to them,mas astig akong tingnan..hmp!
I compose myself bago ko nilingon ang pinanggalingan ng boses.Tumaas ang isa kong kilay nang matanaw ko ang grupo ng mga teenager na nakatingin nga sa aking kinaroroonan.
Binigyan ko sila ng matamis na ngiti bago ako nagpatuloy sa paglalakad ko.Pero muntik na akong mabuwal nang may humarang na malaking bulto sa aking dinadaaan.
What the---
Aambain ko na sana ng suntok nang mapakurap ako habang nakatitig sa matitipunong dibdib nya.Kung hindi ako nagkakamali ay pamilyar sa akin ang polong suot nya!
Kaagad kong tiningala ang kanyang mukha at mas lalong nanlalaki ang aking mga mata nang mabungaran ko ang kanyang hindi na maipintang mukha!
Teka lang----anong ginawa ko?
Saka lang ako natauhan nang maramdaman ko ang kanyang palad na nakahawak na sa aking palapulsuhan.Napasunod nalang ako sa kanya nang magsimula syang humakbang.
Saka nya pinakawalan ang aking kamay nang mapatapat kami sa harapan ng men's salon.
"Stay here,magpapagupit lang ako ng buhok.."
Nakahinga ako ng maluwag nang ibang salita ang lumabas mula sa kanyang bibig.Akala ko pa naman ay makakatanggap na ako ng katakot-takot na bulyaw galing sa kanya dahil sa dilim ng mukha nya kanina.
Palihim kong sinulyapan ang kanyang buhok,may kahabaan na nga iyon..pero kung ako ang tatanungin?I like his hair that way.Mas lalo syang pumogi sa ganyang style ng buhok nya.
"Hwag kang pumasok sa loob kasi puro mga lalaki ang nandoon.Hintayin mo akong matapos."
Saglit akong napakurap nang muli syang magsalita.Oo na hindi ako tanga para hindi mabasa kung anong salon ang papasukan nya!
For men's nga diba?for mens!
"Bakit hindi ka sumasagot?"nakakunot na ngayon ang kanyang noo..grabe!
"Hinihintay kitang matapos magsalita..sige na pumasok kana at hintayin kita dito.."
Nayayamot kong sagot bago ako gumilid ng pwesto para hindi maka-istorbo sa mga taong napapadaan.Muling nagtama ang aming paningin bago sya tuluyang tumalikod at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng men's salon.
Ilang minuto din ang lumipas simula nang mapag-isa ako dito sa hallway.Nagpacing back and forth ako sa harapan ng salon habang nag-iisip ng malalim.
BINABASA MO ANG
Kung Sana Noon Pa
ActionWe got married. We separated. Iniisip ko,bakit napaka-unfair ng buhay? Sya,naka-move on na.. Ako,heto...nagtitiis parin at nangangarap na sana balikan nya. Hanggang kailan ako maghihintay?kung ang taong inaantay na balikan ako ay nakulong na pala sa...