Aryanna's POV
Ihinakbang ko ang aking mga paa nang tuluyang bumukas ang malaking pintuan ng mansyon na kung saan dati-rati ay ako ang namamahala bilang reyna sa loob nito.
Napakagat ako sa aking labi bago tiningala ang nagkikislapang crystal na nakakabit sa malaking chandelier na nakasabit sa pinaka-sentro ng malaking bahay.
Ang mga yan ang naging saksi kung paano naging masaya ang aking buhay,three years ago.
Parang naririnig ko ang masasayang halakhakan na umalingawngaw sa apat na sulok ng loob ng mansyon.
Halakhakan ng dalawang puso na parehong nagmamahal.
Lance,my beloved ex-husband...
Mariin akong napapikit.Hindi ko buong akalain na babalikan ko ang mansyon na ito pagkatapos ng tatlong taon matapos ko itong lisanin.
Ang pagkakaiba nga lang...kung noon,tumira ako dito bilang asawa ni Lance Lavista-----ngayon naman,bumalik ako dito bilang isang bodyguard nya.
Napamulat akong bigla nang may marinig akong kaluskos sa may likuran ko.Kasabay ng pagbunot ko sa aking baril na nasa bewang ang mabilis kong paghakbang palayo bago mabilisan akong humarap habang nakatutok ang baril sa taong nasa likuran ko kanina.
Napataas bigla ng kanyang kamay si Lance habang nanlilisik ang mga mata na nakatitig sa akin.
"What a good introduction,Aryanna.Pinadala ka ba dito para protektahan ako?or,para patayin ako?"
Bagsak ang balikat at nanginginig ang kamay bago ko pa ibinaba at muling isinuksok sa aking bewang ang hawak kong baril.
Yumukod ako bago humingi ng paumanhin.
Ganito...ganito lang ang salitang pambungad nya sa akin?nasaan na ang binuo naming alaala sa loob ng maraming taon ng aming pagsasama?
Talaga bang nakikita nya ako bilang bodyguard ngayon at hindi isang babae na minsan ay naging bahagi ng kanyang buhay?
"Gamitin mo ang guest room...doon ka muna mananatili habang hindi pa natatapos ang iyong serbisyo."pormal nitong sabi.
"Yess,boss!"maagap kong sagot.
Saglit kaming nagkatitigan matapos kong banggitin ang salitang 'boss'.
Mayroon pa bang mas titindi sa awkward na namamagitan sa aming dalawa ngayon?
"And prepared yourself for the party tonight.Alam kong...alam mo na ang iyong gagawin bago ka pa napunta rito."
Tumango lang ako at gustuhin ko mang tumalikod na ay hindi ko alam kung bakit nag-aantay pa ako sa iba pa nyang sasabihin.
"Mag-ingat ka.Hindi naman siguro lingid sa iyong kaalaman na lahat ng nagiging bodyguard ko ay namamatay."
Gusto kong mapangiti ng mapait.Kung alam nya lang sana na yun ang pinapanalangin ko.Ang mawala narin sa mundong ito..para naman isahan nalang ang sakit.
Pero alam kong hindi pwede...para sa kapakanan nya,hindi pa ako pwedeng mamatay.
"Handa na ako sa anumang mangyari bago ko pa pinasok ang trabahong ito,by the way...salamat sa paalala."
Napakurap ako nang mapansin ko ang biglang pagtigas ng kanyang anyo.Ganito ang hitsura nya noong sobra ang naging galit nya sa akin.
Alam kong maling idea ang muli kaming paglapitin ng ganito.Dahil habang nakikita nya ako...muling mabubuhay ang poot na kinikimkim nya para sa akin.
Pero,ito lang ang paraan...ako lang ang maaaring lulutas sa problema na matagal ng hindi nabibigyan ng kasagutan.
Kusa na syang tumalikod matapos ang nagbabagang titig na tinapon nya sa akin.Napalunok ako ng mariin habang sinusundan ko ng tanaw ang kanyang likod habang papaakyat sya ng hagdan.
Wala paring nagbago...tatlong taon na ang lumipas,wala paring kapantay ang kanyang kakisigan.
Sobra parin ang epekto nya sa aking sistema.Shut up damn heart!kumakalabog pa kasi.
*
*
*
Pagpihit ko ng seradura ng pintuan ay bigla nalang sumalubong sa akin ang malamig at mabangong silid.
Marahan akong humakbang sa loob bago itinulak pasara gamit ang aking paa ang nakaawang ng dahon ng pintuan.
Ibinagsak ko sa sahig ang bitbit na bag bago huminga ng malalim.Mariin akong napakurap nang maramdaman kong nag-iinit ang bawat sulok ng aking mga mata.
Shit!
Tinampal ko ang sariling dibdib.Bakit ang sikip ng aking paghinga?para parin akong sinasakal kapag bumabalik sa aking alaala ang katotohanan na tuluyan na syang hindi mapapasaakin.
Mathon man ako sa paningin ng iba kapag nasa labas o nasa harapan ng iba lalo na nasa trabaho ako pero lumalabas din ang tunay kong kahinaan kapag mag-isa na ako katulad ngayon.
Tinungo ko ang malaking cabinet sa may gilid at mabilis na binuksan iyon.Napakagat ako sa aking labi nang may makitang long gown sa loob.Nakahanda na pala ang isusuot ko para mamayang gabi.
Nilingon ko ang dala kong bag kanina na kung saan doon nakalagay ang mga importanteng bagay na kakailanganin ko.
Muli kong dinampot iyon bago maayos na pinatong sa ibabaw ng kama.
Tinanggal ko muna ang baril sa aking bewang bago pinasadahan iyon ng paningin.
'Work is work,Aryanna...Hwag mong isali ang personal mong nararamdaman para dito.Pakatatandaan mo iyan.'
Umalingawngaw sa aking pandinig ang huling paalala sa akin ni Daddy.
Ipinilig ko ang aking ulo bago binuksan ang bag na nasa harapan ko.Tama..hindi ko magagawa ng maayos ang aking trabaho kapag magpapa-distract ako sa aking nararamdaman para kay Lance.
Inilabas ko mula doon ang aking laptop at mabilis kong binuksan iyon.Sabi ni Daddy nakaayos na lahat ang mga hidden camera's sa bawat sulok ng labas o loob ng bahay.Ang gagawin ko lang ngayon ay i-check sa loob ng aking laptop kung naka-connect ba dito ang nasabing apparatus.
Ilang minuto din akong nag-focus sa harapan ng screen ng aking laptop.Napakagaling talaga ng mga agent na nasa field ni Daddy.Talagang experts na sila sa ganitong bagay.Kahit pala nandito lang ako sa loob ng silid na ito ay magagawa kong i-monitor ang lahat ng sulok ng buong mansyon.
'Good luck,Aryanna!mamayang gabi magsisimula na ang laban!'Usal ko sa isip.
☆☆☆
Author's note:
Waaaah guy's,I'm back!with action story genre here...hehehe.
Pero pasensya na po kasi slow update ito...alam nyo na,super-duper busy po hindi katulad noong nagdaang buwan.
Sa mga readers na tumatak sa aking isip na laging active sa previous kong story...na-miss ko po kayo ng sobra!
Kamusta po kayong lahat,sana laging masaya ang araw nyo...ngiti lang po lagi para iwas stressed.
♡LavenderLace♡
BINABASA MO ANG
Kung Sana Noon Pa
ActionWe got married. We separated. Iniisip ko,bakit napaka-unfair ng buhay? Sya,naka-move on na.. Ako,heto...nagtitiis parin at nangangarap na sana balikan nya. Hanggang kailan ako maghihintay?kung ang taong inaantay na balikan ako ay nakulong na pala sa...