Ika-dalawampu't isang Kabanata

10.1K 237 9
                                    

Nilingon ko si Daddy habang nakaupo sa may balcony at concentrate sa pagbabasa ng dyaryo.Wala ba syang ike-kwento sa akin?aba,tatlong taon kaya na wala sa kanyang poder ang nag-iisa nyang anak!Hindi man lang nya ako na-miss!napanguso nalang ako habang palihim na nakamasid sa kanya.

Dahil hindi pa set ang schedule ko sa araw na ito kaya naisipan ko nalang na mag-general cleaning.Lilinisin ko ang buong bahay para sa pamamagitan nun magkaroon man lang ng silbi ang unang araw ko dito.

Ayoko pa kasing aminin na gusto ko lang maging abala para hindi ko maiisip kung nasaan ang aking anak ngayon at kung sino ang kasama nya.Hayyysss...

Nasa kalagitnaan na ako ng paglilinis sa loob ng sala nang biglang tumunog ang monitor na nakaconnect sa labas ng gate.Bahagya kong iniwan ang aking ginagawa at nilapitan ang monitor.

Napakunot ang aking noo nang matanaw ko kung sino ang nasa labas ng gate.Wala sa loob kong pinindot ang lock para magbukas ang gate bago ko pa tinawag si Daddy.

"Daddy,may inaasahan ka bang panauhin mo ngayong araw?"

Nag-angat ng mukha si Daddy mula sa binabasang dyaryo at kunot-noo nya akong nilingon.

"Wala..bakit?"

Napabuga ako ng hangin pero ni hindi pa ako nakakasagot ay bigla nalang tumunog ang doorbell sa may maindoor.Sabay kami ni Daddy na napalingon sa may pintuan.

"Ako nalang po ang magbubukas,Dad.."

Malalaking hakbang na tinungo ko ang pintuan bago binuksan iyon.Tumambad sa aking harapan ang isang kagalang-galang na Ginang.Nagtataka man pero hindi ko nagawang ibuka ang aking bibig para batiin sya.Siguro dala lang ng sobrang pagkalito ng aking utak.

"Nakatakda na ang araw kung kailan bibitayin si Francine..."

Namilog ang aking mga mata sa unang kataga na ginawa nyang pambungad sa akin.

"A-Aryanna...."

Kasabay ng paggaralgal ng kanyang boses ang pagbalong ng maraming luha mula sa kanyang mga mata.Gusto kong magpanic nang bigla syang lumuhod sa aking harapan at marahan nyang niyakap ang aking magkabilang binti.

"N-nagmamakaawa ako sa'yo...iurong nyo ang kaso laban sa anak ko.Hindi sinadya ni Francine ang nangyari...wala syang intensyong patayin ang anak ninyo ni Lance.Mahal na mahal lang nya talaga si Lance kaya gumawa sya ng paraan para tangayin sana ang bata nang sa ganoon ay makukuha nya ang atensyon ni Lance,pero hindi nya inaasahan na ganoon ang mangyari..insidente lang ang nangyari,Aryanna...please parang awa mo na,sya nalang ang nag-iisang pamilya ko pero sandaling araw nalang ang natitira dahil bibitayin na sya...sabi ng korte mawalan ng bisa iyon kung iuurong nyo ang kaso.Please...please...hindi ko kayang mawalan ng anak,kung pwede sanang ako nalang ang babalikat sa lahat..mas gugustuhin kong ako nalang ang mawawala,hwag lang sya!"

Pakiramdam ko tinamaan ako ng kidlat dahil sa narinig.Yung pakiramdam na manigas ka at galit at poot nalang ang lumukob sa iyong kalooban?dahil nagugulat ka sa kadahilanang wala kang alam!

Bumalik sa aking alaala ang araw ng pagkamatay ni Lawrence.Na hanggang ngayon ay hindi ko parin nahanapan ng linaw ang aking utak kung paano nangyari iyon.

Kung paano natagpuan ko nalang sya sa baba ng hagdan na wala ng buhay samantalang mahimbing na syang natutulog nang ihinatid ko sya sa kanyang silid.

Napakuyom ang aking kamao at bago pa ako nakapag-isip ng maayos ay mahigpit ko nang dinaklot ang kwelyo ng damit ng Ginang.Pakiramdam ko nilukuban ako ng masamang ispirito at hindi ko na nakilala kung sino ang nasa harapan ko.

Wala akong pakialam basta sa sobrang galit na namuo sa aking dibdib ay nauwi sa aking kamay.Sinakal ko ng ubod ng lakas ang Ginang.Nanginig ang aking katawan...gusto ko syang durugin sa aking mga kamay!

Kung Sana Noon PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon