Dahil sa matinding awkward ay naisipan ko nalang na pindutin ang stereo sa aking harapan para maibsan man lang ang tensyon na namamagitan sa amin ni Lance.
Kapwa kami natigilan at napatitig sa naka-on na stereo nang biglang pumailanlang ang kanta na hindi namin inaasahan.
Mapagbiro nga siguro ang tadhana dahil pati kanta ay nakikiayon sa sitwasyon na kinasasadlakan ko ngayon.
🎵wish i could be the one,the one who could give you love🎵
Napalunok ako ng mariin at balak ko na sanang patayin ang stereo pero masyado naman akong obvious kung gagawin ko iyon,kaya hinayaan ko nalang.
🎵the kind of love you really need,wish i could say to you🎵
Nagbibingi-bingihan nalang ako kahit na alam ko sa sarili ko ay natatamaan ako ng lyrics ng kanta.
🎵that i'll always stay with you,but baby that's not me🎵
Huminga ako ng malalim bago itinuon sa daan ang atensyon.
🎵you need someone,willing to give their heart and soul to you🎵
🎵promise you forever,baby thats something i can't do🎵
🎵oh,i could say that i'll be all you need,but that would be a lie🎵
🎵i know i'd only hurt you,i know i'd only make you cry🎵
🎵i'm not the one you needing i love you,goodbye...🎵
Pakiramdam ko mas bumagal ang pagpapatakbo ko sa aking sasakyan.Dalang-dala ako ng kanta.Kung pwede ko nga lang sana ihinto kahit sandali ang kotse para tumagal ng konti ang mga sandali na makasama ko si Lance ay di sana ginawa ko na.
Kaya lang kahit ano pa ang gagawin ko ay darating parin ang oras na tuluyan na syang makawala.Ngayon ang panghuling sandali na makasama ko sya.
🎵i hope someday you can,find some way to understand🎵
🎵i'm only doing this for you,i don't really wanna go🎵
🎵but deep in my heart i know,this is the kindest thing to do🎵
Hindi ko alam kung ilang minuto ang dumaan basta nagulat nalang ako nang matanaw ko ang simbahan na kung saan dito idinaos ang aming kasal noon.
Maayos akong pumarada sa harapan.Huminga muna ako ng malalim bago ko nilingon si Lance.
"We're here."
Saglit na nagtama ang aming paningin.Nang makita ko ang marahan nyang pagtango ay saka pa ako kumilos.Mabilis na akong umibis mula sa driver's seat matapos kong tanggalin ang aking seatbelt.
Umikot ako para tunguhin ang backseat.Pinakiramdaman ko muna ang paligid bago ko buksan sana ang pintuan.Pero naantala iyon nang mapatanaw ako sa kabilang panig ng malaking entrance ng simbahan.
Mula sa di kalayuan ay kaagad kong natanaw ang dalawang matatangkad na lalaki na pareho din namang may mga hitsura at halatang may sinasabi sa buhay.
Kaagad nilang tinungo ang kinapaparadahan ng aking kotse.Malagkit na tingin ang natanggap ko mula sa kanilang dalawa nang mapatapat sila sa aking kinatatayuan.
Napakurap ako at napalunok ng mariin bago ko hinawakan ang pintuan para buksan.Pero ni hindi ko pa nga nahihila ay kusa na iyon nagbukas.Muntik na nga akong tumilapon dahil sa lakas ng pwersa sa pagbukas eh!
Aba!masisira ng wala sa oras itong pintuan ng kotse ko dahil sa Lance na'to ah!
Nakasimangot syang lumabas bago mabilis na tumayo at hinarangan nya ako ng kanyang katawan dahilan para hindi na ako makilatis ng dalawang lalaki kanina.
BINABASA MO ANG
Kung Sana Noon Pa
ActionWe got married. We separated. Iniisip ko,bakit napaka-unfair ng buhay? Sya,naka-move on na.. Ako,heto...nagtitiis parin at nangangarap na sana balikan nya. Hanggang kailan ako maghihintay?kung ang taong inaantay na balikan ako ay nakulong na pala sa...