"Daddy,i think hindi kami makakauwi ngayon dyan sa bahay.."
Nakaipit sa aking tenga ang wireless telephone habang kausap ko si Daddy.Nandito kasi ako sa loob ng kusina ngayon habang abala sa paghahanda ng dinner.
'Well...expected ko na yan,Darling...'i heard him chuckled kaya hindi ko naman maiwasang hindi mapanguso.
"Dad,bakit hindi ka nalang pumunta dito ngayon para dito kana magdinner na kasama namin?"
'No,Darling...its too late already,beside masyadong busy ang Daddy mo.'
Napalabi ako dahil sa narinig.Tumatanda na si Daddy,kailan pa kaya sya makapagpahinga?
"Dad,panahon na siguro para isara mo ang agency na yan...marami na po kayong pera at saka sino pa ba ang ginagastusan mo ng ganyan para magpakapagod pa kayo ng husto?kailangan nyo ng magpahinga,Daddy.."
Tanging malakas na buntong hininga lamang ang nakuha kong sagot mula sa kabilang linya.
"Ah,Daddy...ipapahatid ko nalang po kay Lance ang dinner nyo mamaya kung ayaw mo namang pumunta dito.Hwag na po kayong magluto dahil ipagluluto ko po kayo ng paborito nyong pagkain Dad!"pag-iiba ko ng usapan nang maramdaman ko ang pananahimik ni Daddy.
'Okay sige..ikaw ang bahala.'
Napatitig ako sa hawak na auditibo matapos mawala sa kabilang linya si Daddy.
I promise Dad...magmula ngayon,
hinding-hindi narin kita pababayaan.Aalagaan kita katulad sa pag-aalaga ko sa aking mag-aama.I love you Daddy,so much!*
*
*
Marahan akong bumangon at sumandal sa headboard ng kama habang nakayapos sa aking bewang ang kabilang braso ni Lance.
Napangiti ako habang nakatitig sa kanyang mukha na mapayapa sa pagtulog.Hindi pa ako mapakali hanggat hindi ko naidadantay ang aking kamay sa ibabaw ng kanyang buhok.Sinuklay ko iyon gamit ang aking mga daliri.
Hindi na daw sya kasinglakas ng Lance noon..huh!liar...
Napahagikhik ako ng tawa nang bumalik sa aking alaala ang steamy moment na namagitan sa amin while ago.
Hayyyy...ang sarap sa pakiramdam kapag kapiling mo ang taong nagbibigay saya sa iyong buhay.Sino ba ang mag-aakala na mararamdaman ko pa ang ganitong kapanatagan sa buhay?
"Arrianne?"tawag nya sa akin mula sa paos na boses.
"Mmm?"nakangiti kong tugon.
"Anong iniisip mo?bakit parang balisa ka?"
Huminga ako ng malalim bago ko iniyuko ang aking ulo.Kinintalan ko sya ng matunog na halik sa kanyang noo.
"Balisa?sa sobrang saya siguro..."
Nakangiti nyang tiningala ang aking mukha bago nya marahang inilapat sa aking pisngi ang kanyang palad.
"Really?"malambing nyang tugon.
Maagap kong hinawakan ang kanyang kamay na nakalapat sa aking pisngi at wala sa loob na dinama ang kanyang palad.Mas lalong nagpalakas sa tibok ng aking puso ang init na dulot na nagmumula sa kanyang palad.Ang sarap sa pakiramdam.
"Duda ka pa ba?hindi mo napapansin na para na akong baliw dito dahil kanina pa ako nakangisi?"nakanguso kong tugon na syang ikinatawa nya ng malakas.
BINABASA MO ANG
Kung Sana Noon Pa
ActionWe got married. We separated. Iniisip ko,bakit napaka-unfair ng buhay? Sya,naka-move on na.. Ako,heto...nagtitiis parin at nangangarap na sana balikan nya. Hanggang kailan ako maghihintay?kung ang taong inaantay na balikan ako ay nakulong na pala sa...