Matapos kong ayusin ang sarili ay mabilis ko na ding ikinabit sa aking kabilang hita ang belt ng aking baril.
Bahagya ko pang ininsayo ang aking hita.Nang mapansing hindi naman dumausdos ang belt ay saka ko pa binuksan ang cabinet.
Tinanggal ko mula doon ang nakasabit na long gown.Maagap kong isinuot iyon at napamura ako ng mahina nang makita ang sariling repleksyon sa kaharap na salamin.
Sanay naman akong magsusuot ng ganito.Dahil minsan sa buhay ko ay nagiging asawa ako ng isang bilyonaryo.So,kapag narinig nyo ang salitang bilyonaryo----asahan nyo na kung anong lifestyle mayroon sila.
Hindi ako komportable sa suot ko lalo na at sinubukan kong humakbang.Masyadong hapit sa bandang paanan nito.
Huminga ako ng malalim bago nag-isip kung paano ko malulutasan ang problema ko sa aking damit.
Napakagat ako sa aking labi bago yumuko.Hawak ang laylayan ng gown...hindi na ako nag-isip pa basta malakas ko nang pinunit ang hawak na tela.Mula sa laylayan pataas hanggang sa bandang kalahati ng aking hita.
Muli akong tumayo at muling in-scan ang damit.Hmmm...perfect!
Ngayon makakahakbang na ako ng maayos at hindi na mahaharangan ng masikip na tela ang aking paa at binti.
Walang utak din ang Lance na 'yun kung minsan.Baka nakalimutan nya na pagiging bodyguard ang papel ko sa buhay nya.At hindi pwede sa akin ang mga damit na pang-fashionista tulad nito.
Napalingon ako sa may pintuan at tuluyan ng napaharap nang biglang magbukas iyon pagkatapos ng magkasunod na katok mula sa labas.
Napakurap ako nang matanaw ko ang paghakbang ni Lance sa loob ng silid.Bumaba ang aking paningin sa kanyang kamay.May bitbit syang paper bag doon.
Napalunok ako nang muling bumalik sa kanyang mukha ang aking paningin.Titig na titig sya sa akin bago nya mariing sinuri ang aking kabuuan.Nagtagal ang kanyang paningin sa bandang ibaba na kung saan litaw ang kaliwa kong hita dahil sa pinunit kong laylayan ng damit na suot ko ngayon.
"Ah,pinunit ko para hindi ako mahirapan sa pagbunot ng baril incase of emergency."Bigay ko ng paliwanag kahit na hindi naman sya nagtanong.
Bahagya ko pang hinawi ang punit ng damit para ipakita sa kanya ang belt ng baril na maayos kong pinalibot sa aking hita.
Naghintay pa ako ng ilang segundo kung mayroon ba syang komento pero hanggang tingin lang talaga ang tanging ginawa nya.
Napakagat nalang ako sa aking labi.Ang lamig ng pakikitungo nya sa akin para tuloy pinipiga ang aking puso.Shit!
Napaigtad ako nang bigla nyang bitawan ang hawak na paper bag.
"This is your stiletto...nakalimutan kong iwanan dito kahapon."
Bumaba ang aking paningin sa sahig.Nakatitig lang ako sa paper bag at ni hindi ko nagawang kumilos.
"Maraming bisita na ang nasa labas.Kabilang doon ang aking fianće.Hwag kang lumapit sa mga taong nakakakilala sa'yo.At kung may magtanong tungkol sa ating nakaraan.Ignore them.Gawin mo lang ng maayos ang trabaho mo."
Napakurap ako at napalunok ng paulit-ulit.
"Makakaasa po kayo,boss."pinatatag ko ang aking boses.
Nakahinga ako ng maluwag nang tumalikod na sya at tuluyang lumabas ng silid.
Nasuntok ko ang pader na malapit sa kinatatayuan ko pagkapinid nya ng pintuan.Gusto kong magwala dahil sa frustration na nararamdaman ko.Pero ano nga ba ang magagawa ko?
BINABASA MO ANG
Kung Sana Noon Pa
ActionWe got married. We separated. Iniisip ko,bakit napaka-unfair ng buhay? Sya,naka-move on na.. Ako,heto...nagtitiis parin at nangangarap na sana balikan nya. Hanggang kailan ako maghihintay?kung ang taong inaantay na balikan ako ay nakulong na pala sa...